Kim, mapusok ang pole dance Jona, tinanggap ang hamon

Jona

Isang mainit at mapusok na pole dance number ang hinanda ng Multimedia Idol na si Kim Chiu sa kanyang birthday celebration sa It’s Showtime noong isang araw.

“Hindi ko talaga ginagawa itong pole dancing at chair pero for a change ginawa ko. Wala naman hindi kakayanin basta pag-aaralan talaga,” sabi ni Kim sa kanyang dance number na pinaghandaan niya raw ng tatlong araw.

Nagbigay rin siya ng mensahe para sa kanyang fans, bosses sa ABS-CBN, pamilya niya sa upcoming serye niya na Linlang at It’s Showtime.

“I feel grateful at masaya ako for giving me this time and opportunity. Gusto kong magpasalamat na kung ano man ang bumabatikos sa akin, kung ano man sinasabi ninyo, I’m still here. I’m still fighting. I know myself more than anything,” dagdag niya.

Bukod naman sa pasabog na birthday number ni Kim ay ipinakilala rin ang Fearless Diva na si Jona bilang bagong hurado sa Tawag ng Tanghalan.

Sinamahan nga si Jona ng quarterfinalists ng TNT sa pag-awit ng kanyang mga kanta na Tinatapos Ko Na, Maghihintay Ako, at Till The End of Time.

“Excited at kinakabahan na ako,” ani ni Jona sa pagpayag sa hamon bilang bagong hurado ng TNT. “Parang nilo-look forward ko na sasakit ‘yung ulo ko lalo pa na nasaksihan ko na ‘yung galing nila. Lahat kayo magagaling but still isa lang ang tatanghalin na grand winner,” saad niya.

Show comments