^

PSN Showbiz

Ysabel, ayaw nang pakawalan ni Miguel?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ysabel, ayaw nang pakawalan ni Miguel?!
Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix

Ang ganda ng exposure ni Ysabel Ortega sa Voltes V ng GMA 7. Talagang bidang-bida ang dating.

Maganda ang pag-aalaga ng Sparkle kay Ysabel na noong una pa lang ay sinabi na niyang priority niya ang makatapos ng pag-aaral. College graduate at balak pang mag-law ni Ysabel, pero nagagawa pa rin niya na harapin ang kanyang showbiz career. Talaga kasi na passion din niya ang showbiz, at sabi nga niya, tamang time management kakayanin ang lahat.

Habang tumatagal lalo pang guma­ganda si Ysabel kaya siguro ayaw nang pakawalan ni Miguel Tanfelix na balitang sinusuyo ang dalaga.

Bagay naman ang dalawa. Pero palagay ko dahil sa gusto ni Ysabel na dagdagan pa ang kanyang kaalaman, mas focused siyang makatapos muna sa dream niyang higher studies.

Talagang iba ang takbo ng buhay na gusto niya.

Lungkot sa pagpanaw ng aso, parang tao ang pakiramdam!

Ang aga kong nagising kahapon.

May namatay na naman akong dog na medyo nahirapan bago namaalam. Na-upset ako kasi naisip ko na ‘pag ganun ang naging experience ni Jokjok baka hindi ko kayanin.

Very upsetting pala na makita mo na naghihirap ‘yung dog.

Usually kasi, makikita mo na lang silang patay, o kaya naman nagkasakit at mawawala na. Pero ‘yung makita mo na naghihirap at umiiyak dahil may nararamdamang sakit, grabe pala.

Ayaw namang patulugin ng vetmed nila na si Dr. John dahil baka magkaroon daw ng feeling of guilt later, kaya nakita namin kung paano siya hirap na hirap sa sakit.

Bigla tuloy nag-flash sa mind ko, ‘yung mga taong iniiwan sa Home for the Aged at ‘yung nahihirapan na walang sinumang nasa tabi nila na kasama. How can it be possible? ‘Yung mag-isa ka lang na nahihirapan ‘pag meron kang nararamdamang sakit.

So sad na mangyari iyon sa isang tao. Lalo na ‘pag isa ka nang matanda. Ewan ko kung paano malalagpasan ang sakit kung nag-iisa ka lang.

Sana naman hindi ito nangyayari sa marami.

Sana naman ‘pag may ganitong sitwasyon napapaligiran ka ng mga taong nagmamahal sa iyo.

Sana naman walang namamatay na mag-isa.

Talagang no man is an island, kailangan mo talaga ng tao sa paligid mo.

vuukle comment

ACTOR

MIGUEL TANFELIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with