^

PSN Showbiz

Long running weekly show, nanganganib matigbak

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Halos isang buwan na palang hindi nagti-taping ang isang long-running weekly show.

Mga malalaking artista rin ang involved dito, pero wala pang sinasabi sa kanila kung ano na ang magiging kapalaran nila sa programang ito.

Wala pa naman daw sinasabi kung matsutsugi na, pero parang malabo sabi ng ilang artista dahil maganda naman ang rating.

Ewan ko lang kung napapagod na ba ang main star sa programang ito dahil sa tagal na rin nila sa naturang show.

May isa ring weekly show na tiniyak naman sa kanilang matatapos na sila sa susunod na buwan.

Last few episodes na raw ang iti-tape nila at kailangan na nilang tapusin ang programa dahil wala nang iuusad ang kuwento.

Pero tiniyak naman daw ng network na may kapalit ito. Kailangan lang daw talagang mag-level up na ang kanilang show.

Kung sakaling may bagong ipapalit, sana naman maganda na ang timeslot, huwag naman masyadong late.

Coco, tinatakot ang mga katrabaho

Lalong ipinagmamalaki ngayon ni direk Brillante Mendoza ang protégé niyang si Coco Martin, dahil ang laki raw ng in-improve nito sa pagdidirek.

Nasisilip daw niya minsan ang Batang Quiapo at nakikita raw niyang iba na ang camera works ni Coco. Mas magaling na raw ito ngayon.

“Sinabi ko naman ‘yan nung nagpunta ako sa kanila, at tinext ko naman siya,” pakli ni direk Brillante nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes.

“Sinabi ko na parang pelikula na, parang big production na. Kasi ‘yung mga camera works niya, iba na.

“Sabi niya kasi, ang gusto na niyang treatment parang pelikula. Ayaw na niya na parang TV.

“Maganda ‘yan, kasi nagli-level up siya,” dagdag niyang pahayag.

Ang nakuha ni Coco na style ni direk Brillante ay nagsu-shoot ito ng walang script.

“Si Coco kasi, hindi rin gumagamit ng script.

“Ayaw niya ng may script, ayaw niya ‘yung parang de susi ‘yung mga artista,” sabi pa ni direk.

Kuhang-kuha na kasi ni Coco ang style ni direk Brillante, kaya nung nagsama raw sila uli sa shooting ng pelikulang Apag, alam na alam na ng Kapamilya actor ang attitude ni direk sa shooting.

Minsan ay pinagtripan daw ni Coco ang ilang co-actors niya na first time kay direk Brillante.

Kuwento ni direk Brillante, “Palagi niyang niloloko ‘yung mga co-actor niya. Palagi niyang binibiro, ganyan-ganyan.

“’Pag pinalakpakan kayo ni direk Brillante, kabahan na kayo. Kasi pumapalakpak siya. Ibig sabihin, masama ‘yung acting nyo.

“Niloloko niya palagi ang mga co-actors niya.

“Parang bini-brief niya palagi ang mga co-actors niya kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.

“Huwag kayong mag-okay, ayaw niya ng ganyan.

“Huwag nyo siyang kumbaga mini-misled si direk kasi alam niya ‘yan. Alam niya kung hindi totoo ang nararamdaman nyo. Alam niya kung pini-fake n’yo. Alam n’ya kung nagpi-perform lang kayo. Kaya huwag nyo siyang lolokohin sa acting. May mga ganun siya.

“May mga co-actors siya minsan na natatakot na o naku-conscious. Parang pinapakaba lang niya ang mga co-actors niya.”

Ibang Coco raw ang mapapanood dito sa Apag na entry ng Centerstage Productions sa Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 8.

Ibang version daw itong mapapanood sa filmfest.

Iba raw kasi ang gusto ng Hongkong Film Festival na nag-finance ng pelikulang ito. Ang gusto raw ng Hong Kong ‘yung pelikulang walang sex, violence at politics. Kaya ang laking challenge raw sa kanya bilang direktor.

“Meron akong version na para sa Metro Manila Film Festival, Director’s cut ito na hindi ito ang ipinalabas sa festival sa Hong Kong at sa ibang film festivals,” sabi pa ni direk Brillante Mendoza.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with