^

PSN Showbiz

Bea, iniisip na rin ang kasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea, iniisip na rin ang kasal
Dominic Roque at Bea Alonzo

Naging kontrobersyal ang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ilang taon na ang nakalilipas.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw matatanggap ng aktres ang binata kahit bilang isang kaibigan. “No, because I can never be friends with somebody I cannot trust, and with somebody who doesn’t take responsibility to his actions. So siguro hindi. Siguro ang pinakamalaking pagsisinungaling niya ay he never ghosted me because he did,” pagtatapat ni Bea sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda. 

Si Julia Barretto ang kasintahan ni Gerald ngayon. Si Bea naman ay ilang taon na rin masaya sa piling ni Dominic Roque.

May mga pagkakataong napag-uusapan na ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya. “Happiness and contentment, we would talk about the future and building a family together. Marriage, siyempre naman, I’m already in my 30’s so hindi pwedeng hindi mapag-uusapan ‘yon,” nakangiting pahayag ng aktres.

Mayroong ilang mga kumukuwestiyon kung bakit si Dominic ang minahal ni Bea. Marami ang tumitingala sa dalaga bilang isa sa mga pinakasikat na aktres sa bansa.

Si Dominic naman ay hindi pa nakapagbibida sa kahit anong proyektong nagawa ng aktor.

Ayon kay Bea ay hindi kailan man naging hadlang ang estado ng kanilang kasikatan sa  pagmamahalan nil ani Dominic bilang magka­sintahan.  “Hindi, never ako tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan. Meron ngang iba diyan naghanda on paper. Napagdaanan ko na rin, ang cute namin on paper pero hindi naman din nagwo-work. Sa amin ni Dom, it was never an issue for me. And people, iba-iba ‘yung basehan natin. People would always tell me, ‘Dapat nagde-date ka ng someone more successful than Dom’ or whatever. But how do you really measure success? How do you measure success?” makahulugang pagtatapos ng dalaga.

Paolo, nag-iipon na para sa mga anak

Kamakailan ay inamin ni Paolo Contis sa publiko na hindi siya nakapagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak. May dalawang anak ang aktor sa dating asawang si Lian Paz.

Mayroon ding isang anak si Paolo sa dating kasintahan na si LJ Reyes. Ayon sa aktor ay nag-iipon na siya ngayon upang makatulong sa pangangailangan ng mga anak. “I don’t give, I had my reasons why, but I’m saving for them. I have some savings for them, that hopefully one day, I should give them straight.  I don’t wanna argue about it anymore. Ayoko na siyang lumaki. It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay. But eversince nagtrabaho ako nang maayos, unti-unti akong naglalagay sa account kay Xonia, Xalene pati kay Summer, which eventually I want to give to them straight,” pagtatapat ni Paolo.

Aminado ang aktor na ilang taon na ring wala silang komunikasyon ng mga anak. “Ngayon wala, the last time I saw Xonia and Xalene, mga six or seven years ago when we went to Cebu. And then naputol na naman. Kay Summer magtu-two years ko na siyang hindi nakakausap. I reach out though, as I always say, forgiveness, healing takes time and I’m giving that to LJ,” dagdag pa niya.

Malaki naman ang pasasalamat ni Paolo kina Lian ay John Cabahug na siyang tumatayong ama para sa dalawang anak. “Yung sa dalawa medyo malalim-lalin na ‘yung pagkukulang ko. I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata. Do’n ako swerte kasi mabait ‘yung John eh. ‘Yung kay Summer biglaan kasi. It doesn’t make me love Summer more. Lahat silang tatlo mahal ko siyempre. Si Summer nami-miss ko siya. ‘Yung ugali kasi ni Summer parang ako eh, luko-luko eh. Lagi kong kasama ‘yon sa taping tapos biglang naputol. Pag-uwi ko galing Sorsogon, paalis na sila eh,” emosyonal na pagbabahagi ni aktor. (Reports from JCC) 

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with