^

PSN Showbiz

Heart, pinagdiinang hindi nanghihingi kaya kailangang magtrabaho!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart, pinagdiinang hindi nanghihingi kaya kailangang magtrabaho!
Heart Evangelista.

“Indefinitely,” ang sagot ni Heart Evangelista nang tanungin kung kailan siya uuwi ng Pilipinas nang mag-live ang actress sa kanyang Instagram account the other day.

Dagdag pa niya, “Dito muna ako, hindi muna ako babalik (sabay-tawa). No, I’ve got to work.”

Ito ang first time na nag-live si Heart since mapabalitang diumano’y hiwalay na sila ni Sen. Chiz Escudero.

Nauna munang rumam­pa si Heart sa Milan Fashion Week kung saan talaga namang kumbaga ay superstar na siya sa rampahan sa mga fashion week.

Kasalukuyan na siyang nasa Paris at nagkaroon nga raw siya ng free time kaya nakipagchikan siya sa ilang followers.

Pero super pagod daw siya pero happy.

“Actually, a lot of people ask me about fashion week and they asked what I do here or puro lakwatsa, eme, ‘yang ganyan. Dear, trabaho po siya. Hindi po siya madali. Maganda lang siya and masaya siya kasi it’s something that I love to do. I love fashion, I love dressing up. But it’s really a full job,” pahayag ni Heart.

Kailangan daw kasi niyang magtrabaho.

“You know, I’ve never been really the type who just stay home and wait. I’m very creative with my time and I’m very productive with my time. I’m a working girl. I’m not ‘Miss Hingi,’ so, yeah. I work. So, that’s what I do,” pagdidiin niya pa.

Wala naman siyang sinagot na isyu tungkol sa asawang senador na diumano’y sinubukan sa­nang makipag-ayos kay Heart pero parang malabo na raw as of this time lalo na nga at sinabi rin ni Heart sa nasabing live session sa IG na hindi muna siya babalik ng bansa though dinaan niya sa biro.

  

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with