^

PSN Showbiz

Snooky, naloka nang maunahan ang OB van

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Snooky, naloka nang maunahan ang OB van
Snooky Serna.

Si Snooky Serna sa Mesa Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City noong Wednesday afternoon.

Nakasama namin ang dating Regal baby dahil may pa-welcome back late lunch ang manager niyang si Leo Dominguez para kay Gigi Asok-Bambroffe.

Sa chikahan, ni-”roast” namin si Snooky. ‘Yung mga istorya noon sa pagiging mabagal niya ang topic namin. In fairness sa kanya, hindi naman napipikon ang aktres. Tawa lang siya nang tawa lalo na sa mga istoryang sobrang consistent late siyang dumarating sa shoo­tings at tapings.

Pati ‘yung tungkol sa pagkakatuklaw sa kanya ng ahas sa shooting ng pelikulang Madonna: Ang Babaeng Ahas ay napag-usapan din.

May nag-dialogue pa raw noon sa set na, “Magandang gimmick ‘yan!”

Pero siyempre, totoong natuklaw nga ng ahas si Snooky.

Anyway, ngayon naman ay sobrang professional na si Snooky. Ipinaalala ko nga sa kanya noong panahong hawak pa namin siya ni Annabelle Rama at sinabihan ko siya na 4:00 a.m. ang call time niya para sa taping noon ng Magpakailanman ng GMA 7.

That time, ang sabi ko sa kanya, kailangang kunan ang bukang liwayway kaya ganoon kaaga ang call time niya. Naniwala si Snooky at naloka siya dahil una pa siyang dumating sa OB van. Ang tanging nasa location pa lang ay ‘yung generator set. Hahaha.

Kaya nga pala nakasama sa late lunch na ‘yon si Snooky ay dahil tapos na ang first cycle lock-in taping nila para sa Underage new series ng GMA 7.

Naikuwento rin ni Snooky na natapos na ang shooting ng pelikula nila ni Nora Aunor.

Sabi ni Snooky, “Ang galing-galing ni Ate Guy!”

Bongga!

Three diva’s, kasado na

Alam mo, Ateng Salve, magsasama sina Pops Fernandez, Jaya at Kuh Ledesma sa Three Pop Diva’s concert sa Fantasy Springs Resort Casino sa Indio, California on Nov. 12.

Marami akong mga friend sa Amerika ang excited sa show na ‘yon.

Bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with