^

PSN Showbiz

Paolo nagmukhang diyosa, ice assistant director sa drag race!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paolo nagmukhang diyosa, ice assistant director sa drag race!
Paolo
STAR/ File

Pati si Lea Salonga ay napatili sa ganda ni Paolo Ballesteros bilang main host ng Drag Race Philippines na nag-start na pala at mapapanood sa HBO Go.

“Diyosaaaaaaaa!!!!!!!!,” shoutout ni Lea.

Pinakita nga ni Paolo and before and after niya at bongga talaga.

Mas maganda pa siya sa mga ibang kandidata ng mga local pageant.

Co-director naman si Ice Seguerra na aniya ay sobrang ini-enjoy niya. “When I signed up as #DRAGRACEPH co-director, being a fan of the show, alam ko na mag eenjoy ako sa trabaho na ‘to. But I never expected this to be so much more.

“I never thought I’d care for all of you and love you this much. Jusko, feeling ko, anak ko kayong lahat. There’s nothing I want more than to see you shine. “I want to be there and support all of you every step of the way, in any way I can.

“Kaya kung masaya kayo, mas masaya ako para sa inyo. Masaya akong unti-unti niyo nang naaabot ang mga pangarap ninyo,” post niya Ice na kasama ang asawa niyang si former FDCP chair Liza Diño.

Matagal na ring nagdidirek-direk si Ice bago siya naging bahagi nitong Drag Race Philippines. Tumutulong siya noon sa misis pero aniya ay walang talent fee.

Joke niya nang minsang maka-dinner namin silang mag-asawa ni Ms. Liza, pareho silang jobless dahil ayon sa former chair ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ay bumabawi muna siya sa asawa na hindi niya masyadong nabigyan ng oras nung siya pa ang namumuno sa FDCP.

LEA SALONGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with