^

PSN Showbiz

Richard, binubusisi pa ang script ng gagawing serye

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, binubusisi pa ang script ng gagawing serye
Sarah at Richard
STAR/ File

BEVERLY HILLS, CA. – Alam mo, A­teng Salve, after two years, balik sa face-to-face schooling ang panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion.

Noong Monday nga ay pumasok na uli si Zion.

Nang nagkachikahan kami ni Sarah, ikinuwento niyang sobrang happy si Zion na nakakasama na naman niya sa school ang mga kaklase.

Actually, sa two years na nag-online classes lang si Zion, tutok na tutok sa kanya si Sarah para ma-guide siyang mabuti at ngayon nga, tsine-check ng aktres ang lahat ng mga ginawa ng panganay na anak habang nasa klase.

Kung si Zion ay na-happy na araw-araw na naman siyang pumapasok, ang kapatid niyang si Kai ay sobra namang excited sa mga kuwento ng kanyang kuya kaya naman sumundo pa siya noong Monday kay Zion.

So, hindi pa rin ba papasok sa school si Kai?

“Ang allowed kasi ng LGU (local government unit) dito sa amin, 5 years old pataas ‘yung puwedeng mag-face-to-face na. Si Kai kasi, 4 years old pa lang. Waiting na ma-approve na makapasok na rin siya sda school, if not, next year na lang,” sey pa ni Sarah.

Pero may kanya-kanya namang choice kung ia-allow mo ang anak mo sa face-to-face. May ibang mga klase na hybrid ang tawag at puwedeng papasok ng ilang araw at puwedeng naka-online naman ng ibang araw like ang anak mong si Aries, Ateng Salve.

Anyway, ine-enjoy pa rin nina Sarah, Zion at Kai na palagi nilang kasama si Richard sa bahay dahil baka sa September ay magsimula na ring mag-work ang aktor sa bago niyang series sa ABS-CBN.

Ang dinig ko, binubusisi pang mabuti ang script bago nila simulan ang proyektong ‘yon.

Bongga!

Kapuso stars, magso-show rin sa Amerika

May isa akong nakatsikahan kahapon na sobrang excited dahil isa si Bea Alonzo sa anim na artistang dadalhin ng GMA 7 para sa pa-show nila sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.

Matagal-tagal na rin kasing hindi nakakapag-show sa Amerika ang girlfriend ni Dominic Roque.

Siyempre, iba nga lang ang magiging experience ni Bea sa show na ito dahil ang GMA PinoyTV na ang may dala sa kanya at hindi na ang TFC (The Filipino Channel). Hindi na rin Kapamilya stars ang mga kasama niya kundi mga taga-Kapuso Network na.

Makakasama rin sa show na ito ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Hindi na muna namin sasabihin ang tatlo pang Kapuso stars na kasama dahil magkakaroon daw ng official announcement ang GMA 7 tungkol doon.

Basta ang nabalitaan namin, two nights ang show na ‘yon.

Bongga!

Teka, Ateng Salve, dapat tanungin mo si Anna Puno tungkol doon kapag nagkachikahan tayo next week dahil balitang siya nga ang kinuha ng GMA 7 para mamahala sa show na ‘yon sa Pechanga Resort Casino, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

ZION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with