^

PSN Showbiz

Gladys, ‘debutante’ sa kanyang birthday!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gladys, �debutante� sa kanyang birthday!

Wow wish granted ang 45th birthday celebration ng ‘primera kontrabida’ na si Gladys Reyes.

Last Thursday night ay isang concert party, #GladysNight, ang ginanap sa Theodore Events Place kasama ang kanyang family, showbiz friends at ilang kaibigan sa entertainment press.

Parang debutant ang mahusay na actress nang bu­maba sa staircase ng events place na naka-fuchsia pink gown at sinalubong ng mister na si Christopher Roxas na may dalang bouquet of flowers and chocolates at saka inihatid sa stage.

Pagdating sa stage, doon na siya rumampa-rampa at nag-umpisang kumanta with live band.

Babawi raw siya sa nasabing party dahil hindi naging masaya ang kanyang debut: “Babawi ako ngayon. Kasi, kelan pa, ‘di ba?! ‘Pag singkuwenta na, ‘pag ano na?!,” sabi ni Gladys na kinatawa ng mga bisita niya.

Una niyang kinanta ang ‘Till the Morning Comes.

Dagdag niya pa: “Saka naisip ko, since bisita lang kayo, wala kayong magagawa!,” na pinalakpakan ng mga andu’ng guest.

Second song ang Sway na halos sumayaw na ang mga bisita dahil talagang parang professional singer na si Gladys na sumasayaw-sayaw sa stage habang kumakanta.

Kitang pinaghandaan niya ang nasabing party. Mula sa venue, ang giveaways, sa mga appetizer, main course, desserts at every­where sa venue ay may event coordinator.

Aminado siyang na-miss niya ang face-to-face event at lahat aniya ng mga bisita niya ay na-miss niyang kakuwentuhan dahil matagal ding puro Zoom ang mga event.

“Lahat ng mga inimbita ko na nandito ngayon. Chaka ang zoom. Iba, iba pa rin ang face-to-face! It’s nice to see you, good friends, close friends. Siyempre, ang aking mga pamilya, kamag-anak ko po, ang INC TV, ang NET 25. Naku talagang salamat po, pinagbigyan ninyo ang trip ko. Ok ba? Lakas mag-trip, ‘di ba? Walang pakialaman, birthday ko, e, di ba? Itong trip ko, bakit ba?! At saka tingnan n’yo naman, ang ganda, ‘di ba?!”

Sabay pasalamat sa gumawa ng kanyang fuchsia pink gown na deta­chable ang train.

Special guest ang best friend niyang si Carmi Martin na nag-sing and dance ng Last Dance na sinamahan pa ng anak nina Gladys at Christopher na si Christophe.

Nandun din sa party sina Angelu de Leon with her partner, Patricia Javier and her husband, Wowie de Guzman at ilan pang former That’s Entertainment member.

Ito ang first birthday ni Gladys na wala ang amang laging nakasuporta sa kanya noon pa.

Post nga niya noong Father’s Day: “Fathers Day will never be the same, Pa.

Missing you everyday, spoiling us, your grandchildren

Missing your loud voice and great sense of humor

Missing everything about you, Pa.

Praying for strength and we know God knows what’s best, He is indeed in control.

Always loving you, Pa,” pag-aalala sa kanyang ama.

Sa nasabing party ay kita rin ang lungkot ng ina niyang si Zeny na kasama sa nag-e-entertain ng mga guest ni Gladys.

Anyway, sunud-sunod naman ngayon ang endorsement ni Gladys at isang sitcom ang gagawin nilang buong pamilya.

Bago umatake ang pandemya ay nagkakaroon sila ng launching ng catering business nilang Sommereux at ini­lunsad nila ang That’s EntertainMeat pero naging maayos ang lahat at ngayon nga raw ay mas magi­ging aggressive sila sa kanilang mga negosyo.

Meron din silang Pinoy restaurant na Sonyer Restaurant na kuha niya sa pangalan ng kanyang ama.

Almost three decades na sila ng asawang si Christopher at 11 years na ang kanilang marriage.

Kaya nagpapasalamat siya sa Diyos sa lahat ng mga blessing nila.

Happy birthday, Gladys.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with