^

PSN Showbiz

Angeline, dinepensahan ng manager!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tuwang-tuwa si Mr. Fu dahil love ko na si Angeline Quinto. Dahil BFF ng anak kong Sneezy si Kate Valenzuela na manager ni Angeline nagkaroon ng way para malaman ko na mabait at masunuring bata pala ang mahusay na singer.

Iyan ang sinasabi ko, madali lang naman maayos kung anuman ang misconception sa isang celebrity, dapat lang may open communication ka sa mga tao na mali nga ang tingin sa alaga mong celebrity.

Tulad ni Angeline, nag-react lang ako sa mga bagay na nababasa ko tungkol sa kanya, pero wala ‘yung direct na mee­ting. Kung naging pasaway ang reaction ng kampo niya, baka hindi naayos, at tuluy-tuloy ang masamang pakiramdam ko about her. Pero matalino at wise ang management niya, gumawa ng paraan para ma­kilala kami nina Salve at Gorgy, nagpaliwanag, naayos ang lahat.

Iyan ang wisdom ng management, ‘yung ayusin mo muna, kesa ‘yung combative agad ang stand mo. Kahit pa nga mga super mega star hindi agad napipikon, ‘yung mga bituin lang na nawawalan ng ningning ang sensitive masyado.

Favorite ni Mr. Fu si Angeline kaya tuwang-tuwa siya, dahil ito yata ang kukunin niya na singer sa wedding niya. Hahaha.

Ang bilis ng panahon…

Ewan ko pero parang ang saya-saya natin ng nakaraan episode ng Take It! Take It! Me Ganon?!, Salve. Siguro nga dahil parang 2nd home na natin ang SuperSam na lagi na ay welcome tayo nina Sharon at Gerry ang young owners ng sikat na SuperSam kaya masaya lagi ang ambience ng show natin.

Tawang-tawa tayo kahit pa nga ang ingay ng sounds sa labas, kahit bigla ay bumuhos ang ulan at may kasama pang kulog. Parang kinikiliti si Mr. Fu sa katatawa.

At para bang ang bilis ng araw dahil bigla, half of the year na, dahil June na ngayon. Talagang hindi ko akalain na kalahati na agad ng year 2022. Ganun kadali ang panahon. Bongga talaga, kaya naman, ngayon pa lang dami nang naghihintay what Christmas will bring.

vuukle comment

ANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with