^

PSN Showbiz

Sharon at Regine, excited bumalik sa concert

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sharon at Regine, excited bumalik sa concert
Regine
STAR/ File

‘Yung excitement ng singers na puwede nang mag-concert at mag-show dahil hindi na gaanong nagkakahawahan at na maingat na ang lahat. Totoo naman ‘yung sinasabi ni Sharon Cuneta na ang hirap mag-perform kung walang audience, imposible kang maging excited sa virtual lang pag nagpi-perform ka.

Kaya nga ngayon, dama mo na talagang gustung-gusto nila na magkaroon ng concert.

Sina Mark Bautista, Martin Nievera at Marco Sison mapapanood uli natin ngayon sa stage at talagang inabangan ang pagsasama uli nina Sharon at Regine sa isang concert, Iconic, na gaganapin sa  June 17 and 18 at 8 p.m. at the Marriott Grand Ballroom of Resorts World Manila.

Next niyan baka Ogie Alcasid at Regine na.

Tiyak sunud-sunod na ang magaganap na live concert dahil matagal itong hindi nangyari.

Bongga na naman ang concert scene, sana kasunod na ang pelikula, ‘yung marami na naman tayong napapanood na mga bagong Filipino movies.

TITIMG, naka-139 episodes na!

Na-shock ako, Salve, na 139 episodes na pala ang Take It! Take It! Me Ganon?! Long journey na para sa team natin na sayang nga hindi na buo na gaya ng orig dahil nag-ibang team naman si Cristy Fermin. Pero wala namang bad blood dahil friends pa rin lahat, hindi naman trabaho ang turing natin sa TITIMG, para lang diversion na outlet natin once a week.

Enjoy lang sa mga kagagahang ibinabalita natin, at lumilipas ang isang oras ng napakadali.

Ang bait ng SuperSam na very supportive sa gulo natin every Tuesday ng tanghali, 12 to 1 ng hapon sa digital platforms ng Pilipino Star NGA­YON – Facebook at Youtube – na binigyan tayo ng space sa napaka-popular na resto nila.

Thankful din tayo sa follo­wers natin sa abroad na hindi tayo iniiwan.

Pero ang talagang thankful tayo kay Papa Miguel Belmonte na all these years nasa likod natin para suportahan tayo.

Iba talaga ‘pag merong suporta sa mga tulad nila Papa Miguel, matibay ang pader mo dahil alam mo na nandiyan siya para bigyan tayo ng lakas ng loob.

Pamilya na ang Take It..., more than anything talagang hahanap-hanapin mo na ang mga taong kasama mo every Tuesday, sobra mo nang mami-miss. Talagang Take It... ang dating, very close na talaga.

Thank you po sa patuloy na panonood, sa suporta. Sa followers na hindi bumibitaw, love namin kayo. Promise.

vuukle comment

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with