^

PSN Showbiz

Dr. Hayden at Dra. Vicki, naki-party sa Morocco

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dr. Hayden at Dra. Vicki, naki-party sa Morocco
Dr. Hayden at Dra. Belo
STAR/ File

Bongga naman sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Nagbiyahe sila sa Morocco para sa isang invitation ng birthday party na doon ginawa. Ang sarap ng maya­man noh, ‘pag birthday puwedeng destination party kahit saang part ng mundo. Ang sarap mag-invite ng ‘please come to my birthday dinner in Paris’  bongga, ‘di ba.

At this time na ang mahal ng airline fare, ang hirap magbiyahe, invitation mo talaga sa abroad. At sosyal ang guests mo, talagang sasakay ng plane para um-attend ng party mo, talagang sosyal. Hindi nga ba tulad ng ikinasal sina Dra. Vicki at Dr. Hayden talagang sa Paris ginawa at doon pumunta ang mga bisita.

Patunay na talagang mahal mo ang ikinasal ‘pag nag-attend ka ng wedding sa Paris. Ganun din siguro ‘pag a-attend ng birthday sa Morocco, sign na talagang love mo ang celebrant dahil hayun, go ka para um-attend ng party. Suwerte ng make-up artist na si Marife, talagang talbog ang lahat, nasa Morocco siya para ayusan si Dra. Vicki Belo.

Totoong ‘pag nasa buhay mo ang suwerte, bongga ka. Imagine mo na ‘yung make-up artist ni Dra. Vicki kahit saan siya magpunta kasama niya, kaya ang Marife well travelled din.

Bryan at Jolo, may Agimat din!

Gusto nina Bryan at Jolo Revilla mag-thank you sa showbiz writers dahil sa patuloy na pagtulong sa kanilang pamilya.

Talagang sa showbiz na lumaki ang mga anak nina Bong at Lani Mercado kaya naman parang lahat ng writers Tito at Tita na nila.

Maganda ang pagpapalaki ng mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado sa kanilang mga anak, kaya naman lumaki ang mga ito na magalang at tumatanaw ng utang na loob sa lahat ng taga-showbiz na naging parte ng buhay nila.

Mahusay ang pagiging Vice Governor ni Jolo, si Bryan naman busy sa church activities niya at iniisip pa kung ano ang magiging participation niya sa Agimat partylist na binuo ng pamilya Revilla in memory of Mang Ramon Revilla, ang legendary Agimat.

Anuman ang tahakin ng mga anak ni Bong hindi maikakaila na talagang siya ang idolo ng mga ito. Ginusto rin nila na maging artista tulad ng kanilang daddy, at hindi kataka-taka na gustuhin din nila na pasukin ang pulitika. Basta anuman ang pasukan nila, sure na nandu’n ang suporta ni Bong Revilla. Agimat nga, dugong Revilla, bongga!

VICKI BELO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user