^

PSN Showbiz

Bela at Zanjoe, limot na ang nakaraan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela at Zanjoe, limot na ang nakaraan
Zanjoe at Bela.

Ngayon lamang muling nagkatrabaho sina Bela Padilla at Zanjoe Marudo para sa pelikulang 366 na kanilang pinagbibidahan kasama si JC Santos. Matatandaang sa teleseryeng My Dear Heart pa huling nagkasama ang dalawa noong 2017. Habang ginagawa ang naturang serye ay naugnay sina Bela at Zanjoe sa isa’t isa.

Nagkaroon kaya ng ilangan sa pagitan ng dalawa ngayong muli silang nagkasama? “Kung meron mang link or anything, it was in 2017 pa. So by the time we shot this film in 2021, I think we both already… I don’t want to speak for Zanjoe, pero I already got past that stage of my life. I was completely different person already in 2021 from 2017. So okay na okay na po ako and also at the same time, I made sure na kinakausap ko na si Z (palayaw ni Zanjoe) bago kami dumating sa set. I already reached out and texted him to check if we’re both okay with it. I remember personally sending the script. Asking him if meron ba siyang ideas o gustong i-suggest or palitan,” paglalahad ni Bela.

Bukod sa pagiging bida ay si Bela rin ang naging direktor ng bagong proyekto. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatambal sina Bela at Zanjoe sa pelikula.

Bilang direktor ay importante para kay Bela na malaman ang opinyon nina Zanjoe at JC bago pa man gawin ang natu­rang pelikula noong isang taon. “I wanted this project to be collaborative also not just for Zanjoe but also for JC. And also to make them feel that they can trust me on set ‘coz I don’t want to have negative emotions ‘pag sa set namin,” giit ng dalaga.

Aminado naman si Zanjoe na talagang napahanga siya sa pagiging isang direktor ni Bela. Para sa aktor ay hindi madaling gampanan ang tungkulin ng pagiging bida at direktor ng kanilang pelikula. “Nakaka-amaze siyang panoorin, nakakabilib talaga. Magaan siyang katrabaho. Alam niya kung ano ang gusto niya. Alam niya kung ano ‘yung kailangan niya. Nakakatuwa na may paninindigan siya sa paggawa ng pelikula,” nakangiting pahayag ni Zanjoe.

Albie, inaming walang alam sa pakiki­pagrelasyon nang maging sila ni Andi

Kontrobersyal ang naging relasyon nina Andi Eigenmann at Albie Casiño mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Para sa aktor ay hindi madali ang kanyang mga pinagdaanan at hinarap noon. “You can’t really, masasabi na parang breakup lang ‘yon eh. It’s more of eskandalo. Ibang-iba ‘yung process na ‘yon kung paano ka mag-move on sa relationship. Kasi I was figuring­ out how will I move on after that,” makahulugang pahayag ni Albie.

Si Andi ang kauna-unahang naging kasintahan ni Albie at aminado ang aktor na talagang hindi pa siya maalam pagda­ting sa pakikipagrelasyon noon. “I was 17 (years old), wala pa talaga akong alam. I really don’t know what’s going on and noong time na ‘yon wala akong time para masaktan ang puso ko. There’s so much things going on from news and everything. It was my attention away from the heartache. So parang ‘di ko talaga naramdaman ‘yung sakit sa puso,” pagbabahagi ng aktor.

Matatandaang kasagsagan ng karera noon nina Andi at Albie nang nabuntis ang aktres. Mahigit 10 taong gulang na ngayon ang anak nina Andi at Jake Ejercito na si Ellie. Masaya na ring namumuhay sa probinsya ngayon ang aktres kasama ang asawang si Philmar Alipayo at kanilang mga anak. (Reports from JCC)

BELA PADILLA

ZANJOE MARUDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with