^

PSN Showbiz

Glaiza, magbabawas ng trabaho

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Glaiza, magbabawas ng trabaho
David at Glaiza

Pinag-iisipan na rin daw ni Glaiza de Castro na magbawas na ng trabaho dahil mas gusto nitong mag-focus sa buhay may-asawa.

Kasalukuyang pinaghahandaan ng aktres ang magiging wedding nila ng mister niyang si David Rainey dito sa Pilipinas. Sa April na kasi ipapalabas ang natapos niyang teleserye na False Positive with Xian Lim.

Ayon pa kay Glaiza, mahirap daw ang LDR o long distance relationship lalo na kapag kasal ka na. Gusto na rin ni Glaiza na magkaroon sila agad ng pamilya ni David.

Aminado ang aktres na magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanyang sistema o daily routine at priorities ngayong may asawa na siya.

Isa sa pinaplano nilang mag-asawa ang pagtayo ng isang cafe sa Baler para meron daw pinagkakaabalahan si David kapag nasa Manila si Glaiza at nagtatrabaho. “Para sa akin never mawawala ‘yung urge ko to work. So kahit pa sabihin natin na mag-migrate ako dun sa Ireland, hahanap at hahanap ako ng paraan para umarte o para mag-produce. Kahit nagkaroon na ako ng pamilya, nandoon pa rin ‘yung urge ko to act at hindi mawawala ‘yon,” sey ni Glaiza.

James Blanco, nag-iisang aktibo sa grupo ng Click!

Si James Blanco na lang pala ang aktibo sa mga ka-batch niya sa ‘90s youth-oriented show na Click!

Napapanood si James sa top-rating afternoong teleserye ng GMA na Prima Donnas Book 2 at kabi-kabila pa ang guestings niya. Kaya malamang na siya ang nanlibre noong magkaroon ng mini-reunion ang ka-batch niya sa Click! kamakailan.

Sa pinost na photo ni James sa Instragram, nakarating sa kanilang reunion ay sina Jason Red, Biboy Ramirez, Tricia Roman, Trina Zuñiga at Danica Sotto.

Noong 2021 ay nagkaroon sila ng virtual reunion via Zoom at present din doon sina Maybelyn dela Cruz at Sherwin Ordoñez.

Karamihan sa cast ng Click! ay naging busy na sa kanilang pamilya at negosyo samantalang ‘yung iba ay nakatira na sa ibang bansa.

Nagsimula noong 1999 ang Click! at nagtapos ito noong 2004, Nakasama rin sa original cast sina Richard Gutierrez, Chynna Ortaleza, Angel Locsin, Miko Sotto, Karen delos Reyes, Brian Revilla, Roxanne Barcelo at Danilo Barrios.

British Pop Superstar Elton John, ‘di makapaniwalang 75 na

Nag-turn 75 ang British pop superstar na si Elton John noong nakaraang March 25. Kasalukuyang nasa kanyang final tour ang tinagurian na the Rocketman.

Noong ‘70s pa namayagpag si Elton at kabilang sa hit singles niya ay Your Song, The One, Ruwanay Train, Skyline Pigeon, Daniel at iba pa. Nakabenta siya ng higit sa 300 million albums worldwide.

Naging aktibo rin si Elton sa high-profile campaign for research against HIV/Aids, kaya nabigyan siya ng titulong Sir Elton in 1998 at knighted siya ni Queen Elizabeth II. “I feel unbelievably lucky that at 75 I still love what I do so much – I’m still so energised about music and excited I get to play, listen and talk about this every single day,” sey pa ni Elton John.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with