^

PSN Showbiz

Nadine, handang ‘balikan’ si James

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine, handang �balikan� si James
Nadine
STAR/ File

Malaki ang pasasalamat ni Nadine Lustre sa lahat ng mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanya kahit wala nang permanenteng katambal ngayon.

Matatandaang mainit na tinangkilik noon ang tambalan ng aktres at dating kasintahan na si James Reid. “Love na love ko silang lahat dahil ang dami na­ting lahat na pinagdaanan the last four or five years. I guess bumagal lang ang takbo ng mga career ng maraming mga artista o tao sa industry. Sobrang grateful ako at sobrang swerte ko dahil nandiyan lang lahat ng fans ko with whatever decision I made with my life. Sobrang supportive sila talaga. At the end of the day, gusto lang talaga nila masaya ako. Na-appreciate ko sila talaga,” nakangi­ting pahayag ni Nadine.

Si Diego Loyzaga ang katambal ng dalaga ngayon sa pelikulang Greed. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ni Nadine ang aktor.

Para sa aktres ay talagang ibang-iba ang naturang proyekto kumpara sa kanyang mga nagawa na noon. “Naisip ko sa sarili ko, this is really happening finally. Something that is not rom-com or not drama. It’s very bloody and violent. Walang censor si Direk Yam (Laranas). He does everything and anything for art,” giit ng dalaga.

Kung sakaling magkakaroon muli ng alok na makasama si James ay wala naman daw itong magiging problema kay Nadine. Nanatiling magkaibigan ang dating magkasintahan kahit matagal nang nagkahiwalay. “I believe it depends on the story. At the end of the day kasi even naman si James, he’s very explorative with all the things that he wants to do. Let’s see if he’s still down to do movies. I’m sure if there’s a good script he’s probably game to do it. But for now, I feel like he really wants to focus more on his music that’s why he’s in LA (Los Angeles, California). It really depends, we’ll see,” pagtatapos ng aktres.

Awra, kapatid ang turing kay Julia

Taong 2016 nang nagsimula ang pagiging magkaibigan nina Awra Briguela at Julia Barretto. Mula noon ay parang magkapatid na raw ang naging turingan ng dalawa. “Nag-start ‘yon kasi lagi lang kaming nagkakasalubong sa ASAP. Never pa kami nagka-project together pero sobrang sweet niya sa akin. Ate talaga siya and then she invited me to her 19th birthday which is sa house nila. And then after that, no’ng mga next years na hindi na kami masyadong nag-usap,” bungad ni Awra.

Nagkasama ang dalawa sa pelikulang The Seniors na mapapanood na ngayon sa Vivamax. Lalo raw na­ging malapit sa isa’t isa sina Awra at Julia dahil sa ipinatupad na lock-in shooting. “Sobrang nagkakilala talaga and sobrang naging deep ng friendship namin kasi lahat ng struggles namin and problems sa buhay napag-usapan namin and mas nakilala namin ‘yung isa’t isa. Nagki-keep in touch na kami like may mga bagay kaming napag-uusapan. One hour kaming nagchi-chikahan sa cellphone ng mga kaganapan,” kwento ng dating child star at online sensation.

Para kay Awra ay madalas na nami-misinterpret ng ibang tao ang ugali ni Julia.

Napatunayan umano ng komedyante kung gaano kabuting tao ang dalaga. “Sobrang bait ni ate. Lagi siyang nami-misinterpret ng tao pero ibang-iba ‘yung pagkakakilala ko kay ate. Like super caring niya and super bait niyang tao. Sobrang joyful lang ni ate, gusto niya na lagi lang masaya. And as a person alam ‘’yon ng ibang cast kung gaano kabait si ate,” pagbabahagi ni Awra.  (Reports from JCC)

vuukle comment

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with