^

PSN Showbiz

John Lloyd, nilinaw na ‘di exclusive sa GMA!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, nilinaw na �di exclusive sa GMA!
John Lloyd.

Ang bongga naman pala talaga ng talent management ni Maja Salvador, ang Crown Artist Management. Nakaisang taon na sila, at masaya nilang ipinagdiwang ito nung nakaraang Linggo.

Kasama ni Maja ang mga partners niya rito - ang kasintahan niyang si Rambo Nunez-Ortega, si nanay nitong si Marilen Nunez at ang COO nilang si Mikki Gonzalez.

Sa tingin ko nga lalo pang nagpapatibay sa relasyon nina Maja at Rambo itong talent management nilang binuo sa gitna ng pandemya.

Si John Lloyd Cruz nga ang pasabog nila nung nakaraang taon - sila ang nag-handle sa pagbabalik sa showbiz ng magaling na aktor.

Siyempre ang Crown Artist na rin ang nagha-handle kay Maja.

At ang dami pala nilang hinahawakang mga project at lalo pang dumami ang mga artist na pumasok sa kanila.

Nadagdag sina Jasmine Curtis-Smith, Miles Ocampo, at  DJ Loonyo.

May mga bago na rin silang artists, ang kapatid ni Maja na si Jessie Salvador, ang sister ni James Reid na si Lauren Reid, ang direktor na si Gino Santos at iba pang influencers na sina Christine Samson, Andrei Suleik, Patty Ang, Guel Espina at Yanee Alvarez.

Aminado si Maja na ang dami niyang natutunan sa pinasok niyang bagong career sa pagma-ma­nage, pero bilang isang aktres, mananatili siya sa rito at baka matagal pa raw niya itong iwan para mag-focus na sa pagma-manage at baka pati sa pagpu-produce. “Iba rin kasi talaga ang pagmamahal ko sa pag-arte,” pakli niya.

“Mas ginaganahan nga po ako ngayon eh. Kasi, parang everyday kasi marami kang matutunan na alam mo lahat, pero hindi pa pala talaga, lalo na nung gumawa ako ng teleserye with TV 5, Cignal, andun ‘yung mundo na puwede pang gawin.

“Marami pa palang hindi alam na natutunan sa mga taong iyun. So, everyday kung ano man ‘yung mga bago kong natutunan, mga bagong nalalaman o ano man, excited ako na i-share iyun o gawin sa management o i-apply sa management namin,” dagdag niyang pahayag.

Doon din sa anniversary celebration ng Crown Artist ay in-announce na rin  ni John Lloyd na magkakaroon na ng season 2 ang top-rated sitcom niya sa GMA 7 na Happy ToGetHer.

Ilan sa mga paboritong episodes ni Lloydie ay pilot siyempre na si Jasmine Curtis ang kanilang special guest. Pero tumatak din daw ang guestings nina Faith da Silva at Julie Anne San Jose, na pawang matataas ang rating.

Ang inaabangan siyempre ay kung kailan magi-guest si Bea Alonzo.

“Oo nga, e! Inaantay ko nga ang episode na yun. ‘Di pa siya nangyayari… pero siguro, sa right timing, sana mangyari pa rin,” sagot ni Lloydie.

So far, hindi pa niya masasabi kung ano ang isa pang gagawin niya sa GMA 7.

Nagkaroon ng meeting sa ­ilang GMA Executives at wri­ters, pero wala pang masagot sa amin ang magaling na aktor kung alin ang gagawin niya.

“Meron silang dalawang pinitch. Hindi ko alam kung ano ‘yung uunahin,” pakli ni John Lloyd.

“Kung may lumabas mang script, kung alin man dun, iyun siguro ang mababasa ko rin. Siguro, we will see it from there.

“Mahirap mag-decide eh, hangga’t hindi pa nakikita yung actual script.

“Sana magkaroon. Kasi, sayang naman. I’m sure maraming magagawa,” sabi pa niya.

Wala pa rin muna siyang sagot kung si Marian Rivera ba ang makaka-partner niya sa isang drama series na posible niyang gawin sa GMA 7 na nauna nang itinanggi ni Marian.

“Depende siguro sa…like, meron silang isang pinitch specifically para sa aming dalawa dito sa isang pangalan na ‘to….so, depende kung sinong naiisip nila for that specific role.

“Kung sino man ‘yun, baka dun. Iyun ang ating makakatrabaho,” saad ng aktor.

Sa totoo lang, wala pang pinirmahang exclusive contract si John Lloyd sa GMA 7.

Ang commitment niya sa Kapuso network ay ang Happy ToGetHer na ni-line produce ni direk Bobot Mortiz.

“Actually po sa totoo lang, technically, ako po ay under Crown Artist Management. Sila ang management ko, independent of any network. Tapos, meron akong show with GMA na line-produced by Bobot Mortiz.

“Ako, ‘yung agreement ko is between myself and direk Bobot. Wala akong kontrata with GMA,” paliwanag ni John Lloyd.

Kaya hindi pa talaga natin masasabi nang buong-buo na Kapuso actor si John Lloyd?

“We have a show po in the Kapuso network. Somehow ‘di ba, it makes me a Kapuso kasi dun nahanap ng show na iyun ‘yung tahanan niya. So, mahirap naman po di ba?

“Technically, I am not a contract artist ng Kapuso network. Meron lang kaming show,” dagdag niyang pahayag.

Kaya, kailan pa kaya pipirma ng exclusive contract si John Lloyd sa Kapuso network?

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with