^

PSN Showbiz

Katrina, inalagaan ni Chanda nang magkasakit

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nagdusa si Katrina Halili habang nasa lock-in taping ng Prima Donnas 2 na mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa Jan. 17.

Pahayag ni Katrina sa virtual mediacon ng series, “Sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil sobrang naninigas. Sobra ang ginaw na napi-feel ko. Inalagaan nila ako lalo na si Miss Chanda (Romero) who’s very caring.”

Nang hindi matiis ng aktres ang sakit sa katawan, nagpaalam na siyang lalabas sa lock-in para magpa-doctor.

Nagpa-check up, sumailalim sa MRI at ma­ayos na ang kalusugan ni Katrina ngayon at walang maintenance na gamot na iniinom.

Sa kuwento naman ni direk Gina Alajar, 82 days sila sa lock-in taping. Naging sandata ng lahat na involved sa production ang pagiging madasalin ng direktora na sa tuwing umaga ay nagdarasal silang lahat.

Basta pangako ng direktora, mas malaki, mas komplikado at exciting ang season 2 ng Prima Donnas.

Maine, absent sa renewal ng kontrata ng EB

Na-miss ni Maine Mendoza ang renewal ng kontrata ng Eat Bulaga sa GMA Network kamakailan.

Eh sa 27 years ng Bulaga sa Kapuso Network, naging bahagi siya ng programa at na­ging phenomenal ang pagiging sikat niya!

Mula sa pagiging Dubsmash Girl, pinataob ng Bulaga ang lahat ng noontime shows nang mabuo ang AlDub loveteam nila ni Alden Ri­chards sa Kalye Serye, huh!

Eh wish naman ng EB Dabarkads na present sa virtual mediacon with the press, sa Eat Bulaga nila i-celebrate ang 50 years ng Bulaga, huh!

Currently, 42 years na sa telebisyon ang Eat Bulaga!

KATRINA

MAINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with