^

PSN Showbiz

KathNiel, inaayos na ang pamilya bago pakasal

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
KathNiel, inaayos na ang pamilya bago pakasal
Kathryn sa pinapagawang bahay.

Halfway na nga raw ang construction ng ipinatatayong bahay ni Kathryn Bernardo para sa kanyang mga magulang sa Antipolo. Kung titingnan mo nga ang mga picture na kuha sa construction site sa mga social media account ni Kathryn, tapos na ang structure, at kailangan na lang mabuo ang flooring at mga wall.

Kapansin-pansin na puro construction ang inaasikaso ng pamilya ni Kathryn simula pa noong pandemic. Nauna riyan nagpagawa siya ng isang studio na magagamit din niya at maaaring upahan din naman ng iba. Doon na nga sa ipinagawa niyang studio ginanap ang kasalan nina Dennis Trillo at Jennelyn Mercado.

Kaya masasabing kumikita na ang kanyang investment.

Halos nasa finishing pa lang daw ang studio nang mag-groundbreaking naman sila sa bahay sa Antipolo. May nabubuo tuloy mga ispekulasyon na baka nga may plano na siyang lumagay sa tahimik kaya minamadali na niyang tapusin ang lahat ng kanyang balak para sa kanyang pamilya, para nga naman kung mag-asawa man siya, ang iisipin na lang niya ay ang pagbuo ng bagong pamilya.

Ang mga bagay na iyAn ay matagal na namang napaghandaan ng boyfriend niyang si Daniel Padilla na may naipatayo na ring bahay kung saan niya ititira ang kanyang pamilya kung sakali.

Hindi naman maikakaila na sa kasalan din mauuwi ang kanilang buhay kaya maganda nga naman na mapaghandaan na nila ang lahat. Habang sikat na sikat sila at malaki ang kinikita, mas mabuting unahin na ang mga bagay na kakailanganin nila sa pagdating araw.

Ang mapapansin nga, talagang pinaghahandaan nina Kathryn at Daniel ang kinabukasan ng kanilang magiging pamilya. Siguro naman, kagaya nga ng sinabi noon ni Daniel, napag-ipunan na niya ang lahat ng kailangan hanggang sa paglaki ng kanilang magiging mga anak.

ABS-CBN, humihiling ng provisional permit

Tinutulan agad ng National Telecommunications Commission, ang panukala na bigyan ng provisional permit para makapag-operate agad ang ABS-CBN, oras na magharap sila ng panibagong application for franchise sa susunod na Kongreso.

Magbibigay din sana iyon ng karapatan sa kanila na makapag-operate on the air hanggang walang desisyon sa kanilang franchise ang kongreso.

May panukala rin sa senado na gawing habang panahon na ang broadcast franchise at hindi 25 years lamang.

Kung lulusot ang bagong proposal na iyan, maaari na ngang magbukas ang ABS-CBN sa taong ito sa pamamagitan ng isang provisional permit, kahit na wala pang franchise.

Iyon daw ang inaasahan ng broadcast giant, pero ikinatuwiran ng NTC na hindi maaaring magkaroon ng provisional permit dahil ang franchise ng network ay expired na nga at parang humihingi sila ng panibagong franchise.

Mahabang usapang legal iyan kung sakali. Hindi natin masasabi kung ano ang kalalabasan. Kung sa darating na eleksiyon ay mananalo ang mas maraming congressman na pabor buksan ang ABS-CBN, mangyaari iyan. Kung hindi naman, baka mahirapang mailusot ang ganyang katuwiran at kailangan pang magpasa ng panibagong batas sa franchise.

Baklang aktor, gulat sa sinisingil ng poging model aktor na malansa rin ang dugo

Isang matinding irap ang ibinigay ng isang gay male personality sa isang baguhang male star-model na gay din naman. Pogi naman si male star-model kaya kahit na alam niyang bading din, type pa rin siya ng gay personality. Pero nang nag-uusap na raw ang dalawa, ang hinihinging TF ng gay model ay sing taas ng Eiffel Tower.

Sabi ng gay personality, “akala yata niya ay talagang sobrang guwapo na siya kaya ganoon. Hindi niya inisip na bukod sa bading din siya, wala naman siyang maipagmalalaki dahil kitang-kita naman sa scandal na ginawa niya noon na wala rin naman iyon”.

At doon na raw nagtapos ang kanilang usapan.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with