^

PSN Showbiz

Jolo Estrada at anak ni Yorme, nagkasundo sa trabaho!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Walang pakialam sa pulitika

Mapapanood na sa Sunday ang acting debut ni Jolo Estrada sa TV.

Yup, after nga niyang mag-decide na sumabak sa showbiz, finally, ito may acting assignment na ang baguhang aktor, via Regal Studio Presents : Ethan’s Return, airing this Sunday, Dec. 12, 4:35 p.m. on GMA.

And guess what. Co-starring niya sa Ethan’s Return, si Joaquin Domagoso.

Yes, that’s right.

Matindi man ang naging political rivalry ng Estrada-Moreno (Domagoso) sa Manila, pagda­ting naman sa trabaho nina Jolo at Joaquin, walang naging problema.

In fact, nababaitan si Jolo kay Joaquin at walang naging tension or whatsoever sa taping nila. “He’s a nice guy. Wala naman kaming naging problem. Ako naman kahit sino ang maka-work ko, okay lang,” pahayag ni Jolo kahapon sa virtual interview.

May slight na shookt factor sa parents niyang sina senatoriable Jinggoy Estrada and Precy Ejercito pero hindi naman naging big deal ito.

Starring din sa Ethan’s Return si Thea Tolentino.

At nang tanungin namin kung anong pointers ang binigay ng kanyang Lolo Erap Estrada at Daddy Jinggoy Estrada, “They always reminds me to do my best.”

Dumaan din siya sa acting workshop kaya hindi na siya nahirapan sa ginampanan niyang role.

Samantala, wala pa sa plano ni Jolo ang pulitika. As in, at this point in time, hindi pa niya iniisip ito. “As of now, wala talaga akong plano pumasok sa pulitika. I am focused on show business. Hopefully, magkaroon din ako ng hosting gig. Isa ‘yun talaga sa plano ko.”

Mas priority niya ang showbiz career at mga negosyo na inumpisahan niya habang may pandemic.

Samantala dedma na sa bashers si Jolo. Aniya : “Wala na sa akin ‘yun. Hindi na namin pinapansin ang mga bashing. Expect na namin na may mga criticism talaga.”

Tanggap na raw niya na bahagi ito ng showbiz at hindi puwedeng iwasan.

Samantala, umpisa lang ang Ethan’s Return sa maraming project ni Jolo sa Regal dahil impressed si Ms. Roselle Monteverde sa acting talent ni Jolo na alaga ni Leo Dominguez.

vuukle comment

JOLO ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with