_ngayon
^

PSN Showbiz

Paolo, nagalit sa scammer na marites

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paolo, nagalit sa scammer na marites
Yen at Paolo
STAR/ File

Ayaw diumanong patulan ni Paolo Contis ang isang scammer turned Marites na walang ginawa kundi i-badmouth siya.

“Bakit maniniwala ang tao sa scammer??? Siya din nag sabi na nagddrugs ako at sinasaktan ko mga bata,” something like that na reaction diumano ng actor tungkol sa mga pinagsasabi ng isang nagpapanggap na influencer.

Reaction pa diumano ni Paolo sa isyung na-decline ang card niya sa isang restaurant sa birthday blowout niya for Yen Santos na pinalaki pa ng iba : “Sino nagsulat? Una sa lahat hindi ako nagka-card. Napakasinungaling,” galit na diumano’y sagot ng actor sa isang kakilala niya.

Parang hindi nga naman kapani-paniwala na madi-decline ang card ni Paolo.

Unless na-max up ito.

Lumang-luma na ang ganung anggulo.

Hahaha.

 Influencer, kakasuhan ng actor

Humanda na ang isang feeling influencer dahil malamang diumano’y idemanda siya ng isang aktor na ginagawan niya ng issue.

Ayon sa source, walang mga basis ang mga sinasabi ng nasabing feeling influencer.

Kaya iniisip na raw ng aktor na kasuhan ito o ilapit na sa NBI na tigilan na siya at wag nang gamitin para mapansin sa social media.

Kung bakit naman kasi parang talagang authority na itong si feeling inluencer na ginagawang legitimate ng iba sa pamamagitan ng pagpi-play up.

Well, tingnan natin kung saan hahantong ang plano ng aktor sa nasabing influencer.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with