^

PSN Showbiz

Abogado ni Tony, sinagot ang kanyang kaso

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Abogado ni Tony, sinagot ang kanyang kaso
Tony
STAR/ File

Sinagot ng mga counsel ni Tony Labrusca na may nakikita pa rin daw silang hindi tama sa mga ebidensiyang ginamit ng piskalya ng Makati nang isampa sa korte ang kaso laban sa male star.

Iyon daw ang dahilan kaya nagsumite sila ng isang motion to review and reconsideration, dahil pinaninindigan nga nilang walang kasalanan si Labrusca.

Para maiwasan din na makulong ang male star dahil tiyak na magkakaroon ng warrant of arrest na palalabasin ang korte, naghain na sila ng piyansa para sa male star.

Iyon namang abogado ng nagdemanda, sinasabing irregular ang naging hakbang ng mga abogado ni Labrusca, lalo na nga’t sinasabi nilang nagpiyansa na sila sa panahong wala pa namang warrant. Ano nga ba ang batayan ng piyansa.

Nagpahayag din ang biktima na naniniwala siyang dapat na maparusahan si Labrusca sa ginawang pambabastos sa kanyang pagkababae.

Tingnan natin kung ano ang kalalabasan niyan, pero palagay namin dapat medyo tahimik lang si Labrusca dahil masyado na siyang maraming nasangkutang mga problema.

Claudine, inaakusahang ginagamit si Rico

Actually, hindi rin namin alam kung ano ang dahilan sa pagla­labas ni Claudine Barretto ng isang sulat sa kanya ng namatay na dating boyfriend na si Rico Yan. Ang natatandaan namin, hindi rin naging maganda ang kanilang split at tuluyang paghihiwalay. Kaya nga parang kontrobersiyal pa ang pagpunta ni Claudine noong nakaburol si Rico noon sa La Salle Chapel.

Sa nakikita natin ngayon, kaya pala hindi naging matibay ang pagsasama nila ng naging asawang si Raymart Santiago, kasi all the while pala in love pa rin siya kay Rico. May pagkakataon pang sinasabing may isang okasyon na nagtungo siya para mag-alay ng bulaklak sa libingan ni Rico.

Hindi mo rin naman masisisi si Claudine dahil baka naman napakaganda ng kanilang pagsasama, mayroon lang hindi pinagkasunduan at dahil kapwa bata pa noong panahong iyon kaya nauwi sa split.

Ang hindi nga lang maganda, may mga nagbibintang pa kay Claudine na hindi raw iyon sulat ni Rico at mukhang handwri­ting lang niya, na siyempre idineny naman ni Claudie.

Bakit pa ng ba naman siya gagawa ng sulat sa sarili niya at palalabasing galing iyon kay Rico?

May nagsasabing baka nga raw para makatawag ng pansin, dahil ang sinasabing comeback movie ni Claudine pagkatapos ng maraming taon ay nakasama sa MMFF sa taong ito.

Pero aywan kung makakatulong iyon sa pelikula, dahil iyon ay sinasabing comeback din ng love team nila ng isa pang naging boyfriend niya na si Mark Anthony Fernandez. Alangan namang sila ni Mark ang magkasama tapos ang pag-uusapan ay sila ni Rico.

Marami ang nagsasabi na mukhang tagilid din ang love team nina Mark at Claudine, dahil matagal na ang kanilang love team, nagkaroon na sila ng kanya-kanyang pamilya, marami na ring dinaanang love affair kaya wala nang batak ngayong mga panahong ito.

Isa pa ang pinakasumikat ngang love team ni Claudine ay noong sila ni Rico.

Male star suportado ng nanay sa relasyon sa baklang aktor

Kailangan daw na mag-abroad ang isang male star “dahil sa family matters.” Ibig sabihin pamil­ya ang dahilan ng kanyang bakasyon. Ang sinasabi ng mga Marites, mag-aabroad din daw ang isa pang male star, na nakakatuwaan nga nilang i-link sa male star number one dahil sa “personal matters.”

Ayaw daw kasi niyang magkahiwalay nila ni male star number one lalo na nga sa panahon ng Christmas, at ang tsismis pa, ang gay male star ang sponsor ng trip ng male star number one. Matagal na naman iyang ganyang tsismis. May panahon pa ngang sinasabing nag-sponsor ang gay male star ng trip abroad ni male star number 1, kasama ang ermat noon. Kaya nga raw botong-boto rin si mother sa gay male star para sa kanyang anak.

Hindi raw pakakawalan talaga ni gay male star si male star number 1, dahil “pogi, sexy, at magaling talaga.”

TONY LABRUSCA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with