^

PSN Showbiz

Mga pelikulang malalaswa,tuloy ang ligaya ngayong election

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Ngayong nagbukas na ang mga sinehan, bagama’t hindi lahat, naging aktibo ulit ang MTRCB. Wala kasing pelikula na maaaring ilabas sa mga sinehan na walang permit mula sa MTRCB. Noong walang sinehan, wala silang mas­yadong magawa kundi mag-review lamang ng mga palabas sa telebisyon. Iyong mga ginagawang pelikula imina-market sa pamamagitan ng streaming at hindi na kailangang dumaan sa MTRCB.

Wala naman kasi sa batas na kontrolado nila pati ang internet streaming dahil noong gawin ang PD 1986 na siyang lumikha sa MTRCB, wala pa naman ng internet streaming na iyan. Nagkaroon na ng amendment ang batas, at sinabing maging ang video na dapat ay nasa ilalim ng Optical Media Board, ay sa kanila na rin daraan ang classification, para ang OMB, maghabol na lang sa mga pirate na hindi rin naman nila mahuli.

Pero ang internet streaming, wala talaga sa batas. Nauso lang naman iyan noong mag-lockdown at nawala ang sine.

Ang nangyari naman, nagkaroon ng abuso. Wala nang pakialam ang gumagawa ng mga pelikula, lalo na nga iyong mga gay indie, nagbubuyangyangan na ng private parts ang mga baguhang artista, na wala yatang puhunan kundi lakas ng loob na magpakita ng kanilang mga ari.

Aywan din kung papaano magpapatupad ng classification diyan, dahil kagaya ng TV, kahit na anong classification ang ilagay mo riyan, masasabi mo bang hindi ‘yan mapapanood ng mga bata? Maski na sino, lalo na nga’t ang mga kabataan ngayon lahat may cash cards, maaaring bumili ng slot, makuha ang password at mapanood ang mga mahahalay na palabas sa internet streaming.

Ok na makialam ang MTRCB, pero papaano nga ba magkakaroon ng control? Ang TV lang hindi nila mapigil ang mga bata na manood kahit na sabihin nilang SPG ang rating. Kaya anong silbi ng ganyang classification.

Tama ang sinasabi noong araw ni the late ex MTRCB Chair Manoling Morato, na sa TV dapat iyon lang G rating ang ipalabas dahil hindi mo nga mako-kontrol ang panonood sa kani-kanilang bahay ng mga bata. Ganoon din dapat sa mga internet streaming. Na hindi mangyayari kasi nakita iyan ng ilang gumagawa ng pelikula na puwede naman pala kahit walang rating.

Isa pa, magagawa lang iyan ng MTRCB kung magkakaroon ng amyenda ang batas. Eh palagay ba ninyo magagawa pa iyan ng kongreso, at mapipirmahan pa ng presidente na lahat kandidato ngayon at ang inaatupag ay ang pagkakampanya na?

Wala na rin iyan. Kaya ang mahahalay na pelikula na inilalabas sa internet, tuloy iyan hanggang sa matapos ang eleksiyon sa 2022.

James, hindi na nararamdaman

Matagal nang walang pelikula, at wala ring serye sa telebisyon si James Reid. Noong kasikatan ng JaDine nila ni Nadine Lustre, sunud-sunod ang kanilang mga pelikula at pati serye sa telebisyon. Ngayon, bago pa ang pandemic, wala nang ginagawa si James.

Hindi mo masasabing ang pandemic ang dahilan ng pagbaba ng kanyang career.

Pati iyong ipinagyayabang noon na seryeng gagawin niya kasama ang Koreana na si Nancy ng Momoland, hindi na rin natuloy, dahil nga siguro nagkaroon na ng lockdown, nagbanta ng boycott ang JaDine fans, at nasara pa ang ABS-CBN. Eh sa ngayon hindi makagagawa ng mga ganyang magagastos na proyekto ang ABS-CBN na patuloy na nagpapahayag ng pagkalugi simula nang hindi sila bigyan ng franchise ng Kongreso.

Sinasabi nila, hit daw naman ang recording ni James, pero hindi namin naririnig iyon, at para ano nga ba iyon eh wala naman

siyang ginagawang concert kung saan kumikita ang mga singer.

Hindi naman sila kumikita sa recording kahit na noon. Kikita lang sila kung makakagawa ng hits at may kukuha sa kanila na mag-concert.

Sayang ang career ni James.

Aktor na inaayudahan ng pulitiko, ayaw makigulo sa kampanya

Hindi raw magkakampanya ang male star para sa isang gay politician na “nagbibigay sa kanya ng ayuda” nang mga ilang buwan na rin. Ang katuwiran niya, “iba iyong ayuda, iba iyong kampanya”. Bukod doon kung magkakampanya siya, baka maging obvious ang “pag-ayuda” sa kanya.

Kaya ang sabi ng male star, hindi na lang daw siya magkakampanya kahit na kanino para maiwasan namang sumama ang loob ni “tita”. Pero kahit na hindi siya nagkakampanya, nagkikita pa rin naman sila ng gay politician at nagde-date sa pagitan ng mga kampanya.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with