^

PSN Showbiz

Love Together, Hope Together mensahe ng Kapuso

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Love Together, Hope Together mensahe ng Kapuso

Patuloy mang sinusubok ang katatagan ng mga Pilipino, nananatili pa ring kasama nito ang GMA Network para siguraduhing makulay at maliwanag ang pagdiriwang ng Pasko. Ito ang kabuuang mensahe ng 2021 GMA Christmas station ID (CSID) na taun-taong inaabangan ng Kapuso viewers.

Sa temang Love Together, Hope Together, nagsilbi rin itong reunion para sa Kapuso artists at News and Public Affairs personalities ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Mapapanood sa Christmas SID sina GMA News pillar Jessica Soho, Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Kasama ng mga naglalakihang artista at personalities, pinakita rin sa special vignettes ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista at isa sa mga pinakabagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Makikita silang nagsusulat ng messages of hope sa papel na hugis puso at sinasabit sa isang ‘tree of hope.’ Nagsisilbi itong paalala sa ating lahat na kahit anumang unos ang dumaan, pagmamahal pa rin ang pinakamagandang regalo para sa bawat isa ngayong Pasko. Patunay rin ito sa kahalagahan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa dahil nakakatulong itong mapanatili ang pag-asa sa ating puso at maipadama ang pagmamahal ng Diyos lalo na ngayong Pasko.

Naging unforgettable din ang bagong Kapuso Christmas offering dahil sa jingle mula sa talented Kapuso singers na pinangunahan nina Julie Anne San Jose, Lani Misalucha, Aicelle Santos, at Christian Bautista.

Hangga’t may pagmamahal at pag-asa sa puso ng bawat isa, lagi ngang magiging mas maliwanag at mas mabuti ang Pasko kapag nagsama-sama ang mga Pilipino.

Panoorin ang 2021 GMA Network 2021 Christmas Station ID sa official GMA Network Facebook at YouTube accounts, o sa official website www.gmanetwork.com.

vuukle comment

CHRISTMAS

STATION ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with