_ngayon
^

PSN Showbiz

Hunk actor at aktres, businessman ang third party sa relasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sabi ng isang source bilang reaksiyon sa isang isyung kinasasangkutan ngayon ng isang hunk actor at ng isang nagkakaedad nang aktres, “Naku, ‘no! Tantanan na nila ang pag-iingay! Ginagawa lang nila ‘yun dahil hindi na sila pinag-uusapan! Sirang plaka na ang drama nila!”

Ang drama kasi nila ay galit ang hunk actor sa female personality, ipinost daw kasi ng aktres ang maiinit nilang eksena sa pinagsamahan nilang serye, pinalalabas din kuno ng babae na meron silang relasyon.

Maraming nagtaas ng kilay sa kanilang drama, maraming nakakaalam kung naging mag-ano sila habang ginagawa ang serye, tapos ngayon ay aarte nang hindi tama ang hunk actor?

Kuwento ng aming source, “Hindi ganyan kababaw lang ang kuwento, malalim ‘yun, may third party sa relasyon nila. Habang magkarelasyon sila, e, may gay provider din ang hunk actor!

“Magtigil nga sila! Ginagawa lang nila ‘yan para magkaroon sila ng ingay, kasi nga, hindi na sila kabilang sa gitna ng akriyon!” madiing unang sultada ng aming impormante.

Ang female personality ang naging dahilan kung bakit nauntog sa katotohanan ang gay businessman na bitiwan na ang hunk actor.

Patuloy ng aming source, “Anong wala silang naging relasyon ng female personality? Mahiya nga ang hunk actor na ‘yan! E, pati nga ang paliligo ng girl, e, alam na alam niya, dahil pinadadalhan siya ng video?

“Nagpapalitan sila ng video kung anu-ano ang ganap sa buhay nila dahil magkalayo nga sila. Kakain lang ng ice-cream ang girl, may video nang ipinadadala sa hunk actor!

“Kaya magtigil ang lalaking ‘yan sa pagsasabing wala silang naging karelasyon, ‘no! Alam niya ang totoo na nabuking siya ng gay provider niya! ‘Yun ang dahilan kung bakit siya binitiwan!

“Para siyang nagtampo sa bigas, sa totoo lang, dahil lahat ng kailangan niya nu’n mula ulo hanggang paa, pati ng family niya, e, suportado nang todo ng gay businessman!

“Makabibili ba naman siya ng magagarang sasakyan sa talent fee lang niya? Masusunod ba niya ang mga luho niya kung ang aasahan niya, e, ang kakarampot lang naman niyang kinikita?

“E, nabuking pa ng wife ng negosyante ang relasyon nila, kaya ayun, bokyang-bokya ang hunk actor, rain-rain, go away sila ng pamilya niya sa bahay na pinatirhan sa kanila ng gay provider niya!

“Kaya tantanan na ang mga pagdedenay, walang bibili sa mga paeklat ng hunk actor, hindi na niya maipagkakaila na habang sila ng female personality, e, may third party!

“Madalas nga silang mag-abroad ng negosyante nu’n as friends! At kasama pa nila ang pamilya ng gay provider niya, iba rin siyang umatake, di ba naman?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sen. Manny, pinayuhang ‘wag nang sayangin ang mga pinaghirapan sa pulitika

Tumawag ang isang common friend namin ni Senador Manny Pacquiao habang sinusulat namin ang kolum na ito. Ang kanyang sabi, “Ano na ba ang nangyayari sa kaibigan natin?”

Ang aming kausap ay matituturing na kaibigan ng Pambansang Kamao sa hirap at sa ginhawa, sa makapal at sa manipis, sa tag-ulan at tag-araw at sa anumang uri ng panahon.

Saksi ang aming kaibigan sa mga panahong wala pang sahog na manok ang inilulutong tinola ni Pacman, papaya at malunggay pa lang, luya ang lasang-lasa sa paghigop ng sabaw.

“Hindi na kasi kami nagkikita at nagkakausap, iba na kasi ang katayuan niya ngayon, marami nang bagong mukha na nakapaligid sa kanya. Hindi lang ako mapalagay, hindi maganda ang mga nababasa ko’t nababalitaan tungkol sa kanya, parang hindi na siya ang nakilala nating kaibigan nu’ng wala pa siya,” emosyonal na pahayag ng aming kausap sa kabilang linya.

Sukat ng aming kaibigan ang kapasidad ni Senador Manny, kahit ang mga pamatay niyang suntok ay kabisado ng aming kakuwentuhan kung kailan niya pakakawalan, kung ito ang tatanungin ay ayaw nitong tumakbong pangulo ang senador-boksingero.

“Wawasakin siya nang todo ng pulitika. Alam nating maganda ang puso ni Manny, sayang naman kung sisirain lang ‘yun ng ambisyon niya,” sabi uli ng aming kaibigan.

At hindi rin nito nakaligtaang ikomento, “Saka matindi ang negative comments ng mga netizens kay Jinkee, lalo na ng mga bashers, I think hindi makatutulong ‘yun sa ambisyon niyang maging presidente.

“Nakita na natin ‘yun dati, di ba? Ang sabi, for every success of a man, there’s a woman behind him. Pero hindi, ang babae pa nga ang itinuturong dahilan ng pagkasira ng pangalan ng lalaki.

“Opinyon ko lang naman ito. Puwedeng ibasura, puwedeng hindi pansinin, pero naabot na ni Manny ang lahat ng pangarap niya. Naging senador na siya.

“Eight belts in different divisions, sikat na sikat siya sa buong mundo, ano pa ba ang kailangan niyang patunayan?

“I-enjoy na lang niya ang pinaghirapan niya, premyuhan niya ang sarili niya, huwag na siyang magpakalalim pa sa pulitika!” may malasakit na payo ng common friend namin ng Pambansang Kamao.

MANNY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with