_ngayon
^

PSN Showbiz

Joem, wala pang balak pakasalan si Meryll

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joem, wala pang balak pakasalan si Meryll
Joem at Baby Guido
STAR/ File

Kahit wala pa ring prangkisa ang ABS-CBN ay hindi umano sumasagi sa isipan ni Joem Bascon na lumipat sa ibang TV network.

Masaya hanggang ngayon ang aktor sa pangangalaga ng Star Magic. “Yes, masasabi ko po na they are taking care of me. Hindi naman nila ako nakakalimutan kapag may trabaho at hindi rin nila ako nakakalimutang kausapin kapag may problema. Happy ako with the management. Happy rin ako sa ABS-CBN. Lagi naman akong may work. Right now kasi I have work with ABS-CBN and I’m happy naman,” nakangiting pahayag ni Joem.

Maraming mga kasamahang artista sa Star Magic ang naglipatan na sa GMA 7 pero para sa aktor ay wala naman daw masama rito. “Hindi mo naman masisisi kasi kailangan naman nila ng trabaho eh. Kung wala namang work sa isang network lilipat sila. Basta lang po ang akin, makipag-usap nang tama, magpaalam nang tama. Okay naman po ‘yon,” giit niya.

Samantala, kamakailan ay ipinakilala na sa publiko nina Joem at kasintahang si Meryll Soriano ang kanilang anak na si Guido.

Kahit mayroon nang supling ay hindi naman daw nagmamadaling magpakasal ang magkasintahan. “Naka-focus muna kami ngayon ni Meme sa baby namin. Kung napapag-usapan na ba namin ngayon ‘yung sa kasal, sa pag-aasawa, hindi ko pa ‘yan masasagot ngayon. As of now ine-enjoy lang po namin ‘yung time together with the baby and sobrang saya lang naming dalawa na naka-focus lang kami sa bata at nasa bahay lang kami,” paliwanag ng aktor.

Jason, malaki ang ipinagbago para kay Vickie

Ilang taon nang magkasintahan sina Jason Abalos at Vickie Rushton. Mula noon ay suportado na ng aktor ang pagsali ng dalaga sa iba’t ibang beauty competition.

Ngayon ay tumigil na raw si Vickie sa pagsali sa mga contest upang paghandaan na ang susunod na yugto sa buhay ng magkasintahan. “Siguro nasa ano na kami ni Vickie eh, matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ‘yon na ‘yon eh. Sabi ko, ‘O, tama na ‘yan, hindi ka na puwede, tayo naman.’ Kasi hinahayaan ko siya talagang lumarga. Gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya. So ngayon, siguro panahon na para bumuo naman kami ng pamilya,” pagbabahagi ni Jason.

Ayon sa binata ay talagang malaki na ang kanyang ipinagbago mula nang nakarelasyon ang beauty queen. Noong kanyang kabataan ay nakapagloloko pa raw si Jason kahit mayroon nang kasintahan. “Dumaan naman po tayo no’ng kabataan natin na nag-e-explore pa ng mga bagay sa ating buhay at may mga pagkakataon talaga na dumarating po ‘yan. Pero siyempre habang tayo ay nagkakaedad nagiging iba na ang pananaw natin sa buhay. Ngayon ay pinipilit po natin na huwag na tayong makasakit sa buhay,” makahulugang paliwanag ng aktor.  (Reports from JCC)

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with