^

PSN Showbiz

Paglalantad ng brand ng bakuna ni Isabelle at asawa, minasama ng netizens!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Paglalantad ng brand ng bakuna ni Isabelle at asawa, minasama ng netizens!
Isabelle at asawa
STAR/ File

Nakatikim na naman ng pang-iimbyerna si Isabelle Daza pati husband niyang si Adrien Semblat sa ipinost nilang photo habang suot ang caps na may nakasulat na ‘vaccinated by Pfizer.’

Kesyo raw insensetive at irresponsible ang mag-asawa. Deleted na ang nasabing post as of this writing.

Sa Hong Kong naka-base ngayon ang family ni Isabel.

Nakakatawa lang na pati ba naman ‘yun may issue pa. Eh paano kung ang nasabing brand ang itinurok sa kanila.

Kung sabagay, Sinovac kasi ang brand na ibinabakuna sa mga Pinoy kaya siguro feeling ng ibang mga netizen, parang nang-iingit pa sila at ipinagmamalaki pa ‘yun ng mag-asawa.

Eh sa HK, puwedeng mamili ang mga nagpapa-vaccine kung anong brand ang gusto nila.

Dito sa atin ang issue, delayed diumano ang delivery sa vaccination centers ng DOH kaya marami pang hindi natuturukan.

Anyway, importante talaga ngayon na magpaturok o bakuna. Maigi na ‘yun kesa sa wala.

At ngayon ha, pati mga sinehan nating vaccination sites na.

Dating lady exec ng Kapuso, nag-take over sa isang network na naghahanap ng mga sikat

Palalakasin pala ng isang network ang mga kanilang mga content.

Nag-take over na diumano ang isang dating executive ng GMA 7 sa nasabing network na siyang magiging in-charge sa over-all production ng network.

Kaya naman may mga inaayos na diumanong bagong mga programa ang nasabing exec at naghahanap sila ng mga content provider pero dapat daw malalaki ang mga artista.

Target nga raw ng nasabing network ay makuha ang ibang sikat ng ABS-CBN. Willing daw magbayad ng malaki ang nasabing network.

Wala pang formal announcement sa pag-take over ng former Kapuso lady executive sa nasabing network.

Fastfood chains sa Jakarta nagsara sa rami nang order ng BTS meal

Iba rin talaga ang kasikatan ng BTS. Sa Jakarta, Indonesia, nagsara ang more than a dozen na branches ng McDonalds matapos ang launching ng BTS meal ayon sa online reports.

Umapaw daw kasi ang online orders kaya naman nagdagsaan ang mga delivery riders na pi-pick sa physical store. Kaya sa takot na magkahawahan pa ang mga rider, isinara na lang ng fastfood chains ang ilang branch nila.

Two days ago lang ito naging available sa nasabing bansa na dumaan sa maraming covid cases.

Ang sabi, sa June 18 pa available sa Pilipinas ang nasabing BTS meal.

Nauna nang nagbukas ang pop store ng BTS sa isang mall sa Mandaluyong.

Ganito rin kaya katindi ang maging response ng Pinoy fans ng BTS meal?

vuukle comment

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with