^

PSN Showbiz

Aubrey, hindi naniniwalang masamang senyales ang maraming beses na pagkaudlot ng kasal

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Aubrey, hindi naniniwalang masamang senyales ang maraming beses na pagkaudlot ng kasal
Aubrey
STAR/ File

Naudlot ang pagpapakasal nina Aubrey Miles at Troy Montero dahil sa pagkakaroon ng pan­demya. Dalawang taon na  ang nakalilipas nang magplanong magpakasal na ang magkasintahan. “2019 plinano na namin, easy lang. Sabi ko, ‘You know what? It’s time na ‘no?’ Ako talaga ‘yung nagsabi. Sabi niya, ‘Oo nga ‘no?’ Parang casual lang, ‘Sige, let’s do it in the place na malayo,” naka­ngiting kuwento ni Aubrey.

Abril noong isang taon dapat magpapakasal ang magkasintahan na dadaluhan lamang ng mga piling panauhin. “Nagpa-book na kami. ‘Yung hotel na binook namin parang 14 to 15 rooms lang. Tapos ang plano ko talaga, 9 people lang talaga,” dagdag pa ng aktres.

Mula Abril ay inurong na nina Aubrey at Troy ang pagpapakasal ngayong Hulyo pero hindi na rin ito matutuloy. “April ‘yon tapos March pandemic na, ni-lockdown na. Tapos sabi namin, ‘Oh baka mga two months lang ‘yan. Let’s move it ng July.’ Tapos hindi na natuloy. Move nang move nang move. Kinuha na naming lahat. Si airlines nabayaran na ni-refund naman kami,” pagbabahagi ni Aubrey.

Hindi umano iniisip ng aktres na masamang sensyales o pangitain ang ilang beses na pagkakaudlot ng kanilang pagpapakasal ni Troy. “Sabi ko nga it’s not even the sign na sabi nila. ‘Oh, baka ‘yung sign na hindi pa talaga. Sabi ko, ‘No hindi naman sign ‘to. Talagang it’s the pandemic.’ So we’ll do it, we’ll do it,” niya.

Nikki, ngayong pandemya lang nakasama ang anak nang matagal

Labingdalawang taong gulang na ngayon ang anak ni Nikki Valdez sa dating asawa na si Olivia. Matatandaang taong 2018 nang magpakasal si Nikki at Luis Garcia. Nangangarap ngayon ang aktres na magkaroon ng isa pang supling. “Sana kung mabibigyan ng isa pa, why not? Kasi kahit si Olivia sinasabi niya na maganda na mayroong siyang siblings. Siguro ngayon na medyo may edad na siya at puwede na siyang mag-alaga, why not,” pahayag ni Nikki.

Ayon sa aktres ay nae-enjoy niya ngayon ang panahon ng pandemya dahil mas matagal na nakakasama ang anak sa bahay. “Sa ngayon nag-e-enjoy naman kami kahit indoors. Minsan sa harap ng bahay as long as naka-PPE siya, naka-mask. Minsan pinapayagan ko na maglakad-lakad sa harap ng bahay, mayroon siyang sapatos na may gulong,” kuwento niya.

Madalas na rin daw na nakikipag-usap si Olivia sa mga kaibigan nito ayon kay Nikki. “Happy ako lalo na kapag nagkukuwento siya sa amin kung ano ang pinag-uusapan nila. Nakakatuwa naman, feeling ko nawawala ang lungkot. Sabi ko nga, ‘Bakit ngayon mas close pa kayo?’ ‘Yon ‘yung magandang nakuha nila out of talk therapy nila,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

PPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with