_ngayon
^
Cherie gaganap na nambugaw ng anak
Cherie

Cherie gaganap na nambugaw ng anak

(Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang isang ina ay ilaw ng tahanan, siya ang nagbibigay liwanag sa kaisipan ng kanyang mga supling. Siya ang kanilang gabay patungo sa maaliwalas na kinabukasan. Subalit paano kung ang mismong ina ang magiging dahilan upang unti-unting malugmok ang kanyang anak sa putikan na habambuhay nitong susubukang takasan.

Ngayong Sabado huwag palagpasin ang kuwento ni Pia, isang babae na sa kanyang napakamurang edad ay nasadlak sa putikan nang ibugaw siya ng kanyang sariling inang si Magda. Kapalit ng pera, hindi nito inalintana na maaaring masira ang buhay at mga pangarap ng sariling anak.

Tanging pangarap lang ng kanyang ina ang magandang buhay pero dahil sa kahirapan at pagkakabaon sa utang ay naging alipin siya ng pera at dito ay nagawa niyang ibugaw ang kanyang sari­ling anak sa ibat-ibang lalaki.

Sa murang edad ni Pia, gamit ang katawan ay kinailangan niyang kumita ng pera para sa pamil­ya.
Hanggang sa dumating si Ramon, ang matandang nabaliw at nagmahal kay Pia na sinuportahan pati pag-aaral niya at ng kanyang mga kapatid. Nagpumilit siyang makatapos ng pag-aaral subalit nang mabuntis siya kay Ramon, pinilit siya nitong ipalaglag ang dinadala dahil may pamilya ito kaya hindi niya maaaring panagutan ang bata.

Subalit pinatunayan ni Pia na hindi dahil masama ang puno, magi­ging masama na rin ang bunga. Kahit itinulak siya ng ina sa maru­ming propesyon, hindi nanga­ngahulugan na siya’y magiging patapon ding ina. Kahit anong hirap ang patuloy niyang dinaranas, sinisikap ni Pia na itaguyod ang mga anak sa disenteng paraan.

Ngayong Sabado, tunghayan ang Ina Ko, Bugaw Ko sa Magpakailanman.

Itinatampok ang premyadong aktress na Si Ms. Cherie Gil bilang Magda, Leo Martinez as Ramon, Gabbi Garcia as Pia, Phytos Ramirez as Chris, Gilleth Sandico as Mrs. Chua, Kenneth Paul Cruz as Paolo, Lindsay de Vera as Anne at Sean Rose as Lance.

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with