^

Male personality, kumpirmadong nahawakan ng mahigpit ang datung

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

Matagal nang umiikot ang kuwento na isa sa pinakamahusay humawak ng pananalapi ang kilalang male personality na laman ng mga balita ngayon dahil sa bagong pangyayari sa kanyang personal na buhay.

Kumpirmado ang pagiging masinop niya sa kanyang kinikita. Kahit ang kanyang mga magulang ay nagpapatotoo na huminto man siya sa pag-aartista ay meron na siyang ipon para sa kanyang kinabukasan.

Magaling siyang magplano. Sa maagang panahon ay natuto siyang magnegosyo. At hindi basta-basta negosyo lang ang kanyang pinapasok. Malaki ang puhunan at maganda rin ang balik.

Kuwento ng aming source na nakakakilala sa popular na male personality, “Nu’ng una, nu’ng hindi pa siya ganyan kayaman, ang gusto niyang mangyari, e, huwag nang gumastos sa kanyang mga isinusuot sa TV. Ex-deal lang ang gusto niya para hindi na nga naman siya gumastos pa.

“Kaso, dumami na nang dumami ang work niya, kailangan na talaga niyang mamuhunan, kaya nagpapagawa na rin siya ng suit at bumibili ng mga branded stuff.

“Pero hinayang na hinayang siya sa ganu’n, ang gusto nga kasi niya, e, intact ang kinikita niya, nasa bank lang. Nag-iiwan lang siya ng panggastos niya everyday.

“’Yun ang reason kung bakit wala siyang hilig lumabas, nanghihinayang siya sa gagastusin niya, kulang na nga lang na magbitbit siya ng calculator para alam niya kung saan napupunta ang pera niya!” mainspirasyong kuwento ng aming impormante.

May dating naging driver ang kilalang male personality na maraming natutuhan sa kanya. Ikinukuwento ‘yun ng kanyang dating piloto sa kanyang mga kasamahan.

Patuloy ng aming source, “Iba na ang ipinagmamaneho niya ngayon, umuwi kasi siya sa pro­binsiya at nu’ng bumalik, e, may bago nang driver ang male personality.

“Kuwento niya, lingguhan daw silang magpa­gasolina nu’ng male personality. Kapag ganu’n daw kasi, e, matagal maubos ang gasolina. Saka may budget lang ang sir niya, hindi puwedeng lu­mampas, nakaipon din ang mga resibo ng ikinakarga nilang gas.

“Kahit daw sa paggo-grocery, kailangang ibi­nibigay ng maid sa kanya ang resibo. Meron pala siyang folder na para lang sa mga ginagastos nila sa bahay.

“Ganu’n siya ka-organized. Walang nakalulusot sa kanya. Binubusisi niya talaga ang lahat ng inilalabas niyang pera kung saan napunta.

“Manang-mana siya sa pinagmanahan niya, di ba naman? Napakasinop din kasi sa pera ng mother niya. Napaka-lucky ng babaeng mahal niya,” positibong pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie, mag-isa na lang kumakain

Sobrang masunurin si Willie Revillame sa mga health protocols. Kunsabagay, kahit naman wala pang pandemya ay sobrang linis na niya sa bahay, organisado ang aktor-TV host sa lahat ng bagay.

Nagbawas siya ng mga dancers sa Wowowin-Tutok To Win. Napansin niya na ang dami-dami na nila sa studio kapag umeere ang kanyang programa. Relyebo rin ang pagtatrabaho ng kanyang production staff. Hindi puwedeng sabay-sabay bilang pagpapahalaga sa social distancing.

Masakit man sa kanyang loob dahil kinasanayan na niya ay mag-isa na lang siyang kumakain ngayon, hindi na niya kasabay ang kanyang staff, dahil sa isang pag-aaral ay napatunayan na mas malakas pala ang hawahan kapag grupo-grupo ang nasa hapag.

Hinihintay na lang ni Willie ang go signal ng pamunuan ng GMA-7 para sa plano niyang pagso-show sa kanyang beach house sa Puerto Galera. ‘Yung para silang naka-bubble. Hindi na sila aalis sa lugar kapag nandu’n na silang lahat.

Gusto rin niya kasing makumusta at maayudahan ang mga katutubo, milyong halaga ng bigas ang ipinabili niya, du’n na sila bumili sa Mindoro para kumita naman ang mga tagaroon.

“Walang katiyakan ang buhay natin ngayon. Napakaraming naghihirap dahil nawalan ng trabaho. Ang basic needs nila, hindi pa rin nila nairaraos, paano na ang pambili nila ng gamot?

“Kapag nagbibigay ako ng ayuda sa show, kapag naririnig ko na ang pag-iyak ng tinawagan ko sa kabilang linya, nawawasak na ang puso ko. Hindi na ako makapagsalita.

“Mahirap na nga sila, nagpandemya pa, paano nga naman nila iraraos ang ganito kahirap na sitwasyon? Haaay! Kung kaya ko lang silang tulungang lahat,” pabuntong-hiningang pahayag ng mapusong TV host.

Sana nga ay dumami pa ang lahi ni Willie Revillame na hindi sinasarili lang ang mga biyayang tinatanggap niya. Ibinabahagi niya ‘yun sa mga walang-wala sa buhay.

“Relate na relate ako sa kanila. Alam ko ang pinagdadaanan nila ngayon. Alam ko ang maging mahirap. Saan ba naman ako nanggaling? ‘Yung mga kuwentong naririnig ko sa mga tinatawagan ko, nagdaan din ako sa ganu’n.

“Sinuwerte lang ako. Nagsipag lang ako, hindi lang ako sumuko. Kung bumitiw ako nu’n, isa na rin ako sa mga humihingi ng ayuda ngayon,” makabuluhang sabi pa ni Willie Revillame.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with