^

PSN Showbiz

GMA ilulunsad and Zoom-serye

Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang GMA 7 sa pagbibigay ng mga programang naghahatid ng drama, kilig, at saya sa kanilang loyal viewers.

Patunay na rito ang pinag-uusapan at talaga namang sinusubaybayang mga serye sa Afternoon Prime na Magkaagaw, Babawiin Ko Ang Lahat, Bilangin ang Bituin sa Langit, at primetime shows na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, Love of My Life, at Owe My Love.

Bukod pa riyan, pinaghahandaan na rin ng Kapuso Network ang ilan pa sa mga bagong prog­ramang tiyak na aabangan ng viewers.

Ilan sa mga ito ang GMA Inspire, Zoom-serye, Quarantitas, #Like4Like, The Fake Life, Ilaw, Frozen Love, Only Me and You, #Familygoals, Someone Like You, This Is Your Moment, at Sa Gillage.

Kagigiliwan din ang mga programang Ate Girls, Basketboys, Hapi And Gae, Jowa Sessions, Sana All, at Dreamland Hotel na mapapanood naman sa GTV.

Sinu-sino kaya ang mga Kapuso stars na aabangan sa mga programang ito?

Jeepney TV, humakot Na Ng 1 Million YT Subscribers

Bagong digital milestone ang naabot ng Jeepney TV matapos itong makakuha ng 1 million YouTube subscribers na patuloy na sumusubaybay at binabalik-balikan ang mga tumatak na programa ng ABS-CBN sa nasabing video-sharing platform.

Kasama sa bagong tagumpay ng Jeepney TV ang pagkamit ng 273 million lifetime views sa YouTube channel nito, isang tagumpay na kasunod ng pagkilala sa ABS-CBN Entertainment bilang most subscribed at most viewed YouTube channel sa Southeast Asia sa 32.9 million subscribers nito.

“Buong puso ang pasasalamat namin sa mga ka-Jeepney na nagbibigay-suporta hindi lang sa ere kundi nagtutulak din para lumawak ang presensya ng Jeepney TV online. Patuloy ka­ming hahanap ng paraan para ihatid ang legacy ng ABS-CBN sa pamamagitan ng mga walang kupas na programang magbibigay-inspirasyon at saya sa mga manonood,” paglalahad ni Jeepney TV channel head Cindy de Leon.

Talagang hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ng mga Kapamilya viewers sa mga ABS-CBN teleseryes, sitcoms, at fantaseryes gaya ng Lastikman, Agua Bendita, Marina, Kampanerang Kuba Home Along Da Riles, sa panonood nila ng kumpletong episodes ng mga ito na naka-upload sa Jeepney TV YouTube channel.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with