^

Mga sinehan hindi pa rin nagbukas!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Maraming sinehan ang hindi nagbukas kahapon. Pero totoong pinayagan na sila ng IATF, base sa isang memorandum ng DTI na magbukas na nga ang mga ito basta susunod lamang sa safety protocols, pero depende pa rin iyan sa mga mayor kung papayag silang magbukas ang mga sinehan.

Isa pa, ayaw pa rin naman talagang magbukas ng mga sinehan habang hindi pa maliwanag kung ano ang safety protocols.

Wala ring malaking pelikula na tiyak na papasukin ng mga tao sa sinehan. Iyong mga pelikulang sinasabing nakahanda na ay puro indie, low budget at mga pelikulang inihanda lang talaga para sa internet. At hindi naman iyan panonoorin ng mga taong magbabayad nang mahigit na tatlong daang piso. Hindi naman maaaring magbaba ng admission prices ang mga sinehan, dahil kung gagawin nila iyon, sa kuryente pa lang lugi na sila.

Negosyo iyan eh. Hindi sa kung pinapayagan na ba sila ng gobyerno o hindi. Natural ang una nilang iisipin ay kung kikita ba sila o hindi. Ang talaga lang namang mapilit na buksan agad ang mga sinehan ay iyong mga may kinalaman sa low budget films, o indie, dahil ngayon walang malaking pelikula at wala silang kaagaw sa sinehan. Iyon nga lang, sa hirap ng buhay ngayon na napakasama ng ekonomiya at marami ang walang trabaho, uunahin pa ba nila ang panonood ng sine maliban kung talagang gustung-gusto nila ang pelikula?

Kung may producers na magmamadaling tumapos ng mga pelikulang may pag-asang kumita, at malamang mga isang buwan pa iyan o higit pa, at saka lang tiyak na magbubukas ang maraming sinehan. Tiyak awa na sila roon sa mga pelikulang palabas sa kanilang sinehan tapos wala namang screening dahil walang bumibili ng tickets.

Naranasan namin iyan, matapos na makabili ng tickets, isinasauli ang pera namin dahil hindi raw maitutuloy ang screening dahil ako lang mag-isa ang manonood. Eh sayang ang oras na naghintay ako, napilitan akong bumili ng dalawa pang tickets para may benta kahit na tatlo at mapilitan silang ituloy ang screening pero malaking lugi iyon sa sinehan.

Kaya napuna rin namin, sa kalahatian ng pelikula pinatay na nila ang aircon tutal malamig na.

Kim, nagpasalamat

Natuwa naman kami nang makita namin ang pictures ni Kim Chiu sa St. Padre Pio Center sa Libis. Dumalaw siya sa simbahan kahit na wala pang misa. Nagdasal lamang siya bilang pasasalamat. Isang taon na pala noong muntik na siyang mamatay dahil napagkamalan siyang target ng riding in tandem na may inaabangan sa Katipunan Avenue, malapit sa UP.

May isang nagsabing maaaring ito ay dahil nagkataong pareho sila ng sasakyan ni Kim Chiu. Isang taon na pala, pero walang nahuling gunman na nagpaulan ng bala sa sasakyan ni Kim Chiu.

Wala ka na ngang magandang magagawa kundi magpasalamat sa Diyos na hindi ka napahamak at nawa’y huwag nang maulit ang ganoong pangyayari.  Aba eh kung namatay siya roon tapos wala namang nahuling criminal. Iyong mga naglalakad lang ng walang face mask ang madalas na mahuli. Iyong criminal hindi. Mahirap hanapin iyon eh, at saka organisadong krimen iyon, sanay nang magsipagtago ang mga iyan.

Iyon ngang dapat hulihin ng mga pulis at PDEA sa buy bust nakatakas, tapos sila pa ang nagbarilan.

Aktres na galing-galingan, semplang lahat ng pelikula

Nagrereklamo ang isang box office star laban sa isang female star na ang paniwala ay napakagaling niyang aktres, ganoong wala naman siyang kumitang pelikula. Marami talagang ganyan, “galing-galingan” na ang akala sa sarili ay sila na ang pinakamahusay. Alam naman nilang hindi, pero defense mechanism iyon eh dahil hindi nga kumikita ang kanilang ginagawang projects.

Ang female star din ‘yan ang nagsabi noong araw sa manager niya na huwag siyang papayagang maging guest sa isang show, dahil napa­kabaduy daw noon. Tingin naman niya class siya.

KIM CHUI SINEHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with