^

Dasal ang kailangan…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

Siguro talagang bawat tao merong bad o good day sa buhay. Merong paggising mo pa lang feeling down ka na, or very bright ang araw mo.

Siguro nga, ‘yung starter ng araw mo, iyon ang magiging guide sa magiging feeling mo sa buong araw. Kaya nga dapat, you start and end your day in prayers, para kahit papaano ‘yung dasal mo ay makatulong para bumuti ang araw mo.

Sa loob ng isang araw maraming puwedeng mangyari, hindi mo naman siguro gugustuhin na dahil masama ang gising mo, masama na ang buong araw mo. ‘Yung gagawin mo bawat araw, dapat may guide para makaiwas sa kahit maliit na disgrasya.

A few minutes of prayer in the morning and at night before you go to sleep, hindi naman malaking kawalan sa oras natin, make it a habit, a beautiful one, malay natin mabago nito ang mga nagaganap ngayon sa mundo, mga pangyayari sa buhay, at higit sa lahat, maiwasan na ang mga pandemic na darating.

Pinagtagpo ng kapalaran...

Ang galing-galing naman ng nangyari kay Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Imagine, para nga namang pinagtagpo talaga sila ng kapalaran nang pareho silang walang karelasyon at nag-swak agad sila nang magkita. Intense ang kanilang affair na para bang hot na hot sila at talagang heto, ready agad sa commitment at responsibility, walang takot sa pagpasok sa bagong path ng buhay na tatahakin nila.

Sana nga maging maligaya silang dalawa. Sana hindi masayang itong chance for happiness nila, ito na sana ang end of the road sa paghahanap nila ng partner. Ang ganda ng partnership nila, at ang ganda nilang tingnan together.

At ‘yung happiness they feel, sana pangmatagalan. Both seems to be good people seeking for love, deserving sila na matagpuan ito and keep it forever, dahil napagdaanan na nila ang rocky roads to happiness, mas precious ngayon ang moments para sa kanila.

I will love seeing them build a family together, at makita na nagtagumpay sila against all odds in life.

To Derek and Ellen, enjoy your precious moments, stay together happily ever after. Your happiness is your choice, make it work. Congrats.

DEREK ELLEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with