^
Luis may kinatatakutan sa anal swab!
Luis Manzano

Luis may kinatatakutan sa anal swab!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aliw ang hirit ni Luis Manzano sa planong anal swab test na rolled out na sa China.

Post nito kahapon : “Ang nakakatakot sa anal swab ng COVID ay kung ang proseso ay pag ka swab sa pwet mo, ipapa amoy sa yo... if di mo maamoy... positive ka. Ang hassle ay kung palasahan pa.”

Hahaha. Pulos pang-good vibes ang mga post ni Luis kaya naman aliw talaga ang follo­wers ng mapapangasawa ni Jessy Mendiola.

Nag-umpisa na nga sa China ang anal swab test pero ayon sa DOH, inconvenient ito sa bansa. “Kung kami ang tatanungin sa DOH, kung talagang kakailangan at makikita na with sufficient evidence na talagang ito ay makakapag-yield ng accurate results also, pag-iisipan pong maigi ng gobyerno iyan because as we say, it is really inconve­nient for both the individuals and healthcare workers,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa virtual briefing kahapon.

As in paano mo nga naman gagamitin ‘yun lalo na ‘pag sa lock-in taping. Ginaga­mit diumano ‘yun sa high risk cases.

Sa China ay ito ang ginagamit na pang-alternate sa nasal / throat swab at saliva test.

Anyway, ang complaint lang diumano ng maraming artista sa throat swab, since sa ilong nga dumadaan so talagang kumbaga, laspag na ang ilong nila kakapasok ng pang-swab kasi before and after ng lock-in kailangan nila ng swab.

Sa isang post ni Yam Concepcion, tawang-tawa ako dahil napapatili siya tuwing ipapasok sa ilong ang pangkuha ng specimen. Caption ni Yam “Exit swab one take lang this time! Magaan kasi ang kamay ng nag swab! Oa lang talaga ako. Thanks to my ism family for the support  happy? #initsamagdamag,” sabi ng Kapamilya actress kasi talagang napapatili siya kaya nagugulat ang nagti-test sa kanya sa nasabing video.

Hindi pa masyadong nagagamit ang saliva testing for coronavirus though approved na ito sa Red Cross.

Anyway, at dahil under General Community Quarantine pa rin ang NCR for the whole month of February, wala pa ring magbubukas na mga sinehan.

Kahapon ay sumipa na sa 521,413 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas – kasama na rito ang karagdagang 1,849 kaya talagang malabo pang magluwag ang quarantine level sa NCR.

 

 

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with