^
Pinoy Blinks naging âwildâ 1,000 free tickets
Blackpink

Pinoy Blinks naging ‘wild’ 1,000 free tickets

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Bumawi ang Globe nang mamigay ng 1,000 tickets bilang appreciation sa Blackpink fans na naghintay ng halos dalawang oras para sa kick-off event ng Korea’s most sought-after girl group concert.

Ito ay matapos magkaroon ng problema ang kanilang drone event last January 22.

Layunin ng Globe to ‘reinvent the world’ ng millions of Filipino Blinks fans by staging ‘The Opening Act’, na magpe-feature sana ng series of skylight displays noong January 22 using drones at the Bonifacio Global City.

Nakatakda ito for live streaming ng 7:30 p.m. kung saan ang Globe’s show contractor started its setup as early as 1:00 p.m. and GPS signals were strong and optimal 30-minutes before the 7:00 p.m. countdown. Pero nang oras na para mag-umpisa ang show, nagkaroon diumano ng fluctuation ang signals.

Nagsimula ito sa limang drone at umakyat sa 20 na drone sa pagitan lamang ng anim na minuto. Hanggang hindi na na-normalize ang drones at nawala na ang GPS at satellite nito.

Kaya naman napilitang i-break ng organizer ang program into sequences and attempted to troubleshoot and regain access to the signals.
Pero sa kabila diumano ng paulit-ulit na pagta-try upang i-reboot ang mga drone system at palakasin ang signal nito, hindi ito nagtagumpay. Hanggang nag-decide na silang kanselahin ang show ng 8:25 p.m.

Ayon sa technical report na natanggap ng organizer, nagkaroon ng signal jamming na naging dahilan kung bakit hindi gumana ang mga drone.

Ang Blackpink ang brand ambassador of Globe.

Ayon sa statement ng Globe: Due to circums­tances that are beyond our control, we will need to shift our gears and reschedule The Opening Act to a later date. To express our appreciation for all of you who stayed with us tonight, we will be giving away 1000 The Show tickets so you can catch the girls live on January 31.”

Kaya naman nawala ang inip ng fans at naging wild sa ipinamigay na free tickets.

BLACKPINK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with