^
Win Jaimeâs Heart, panalo sa laplapan!
Win Jaime’s Heart
STAR/ File

Win Jaime’s Heart, panalo sa laplapan!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Panalong-panalo ang Win Jaime’s Heart, isang BL series mula sa direktor na si Zyril Nica Bundoc at production house na Sanny Istudyo.

Bago pa man matapos ang season one nito—nakatakdang umere ang finale sa January 25—Lunes - ay umani na ng higit sa 1.5 million views ang unang limang episodes.

Kung pagbabasehan ang mga comment na iniiwan ng mga naakapanood sa YouTube channel ng Sanny Istudyo, may fans ang buong cast mula sa bawat sulok ng mundo: Africa, Asia, Europe, and the Americas. Nagpapaulan din ang mga ito ng papuri sa Win Jaime’s Heart. Ayon sa kanila, bawat aspeto nito—yung pagkaka-direct ng mga eksena, pagganap ng mga artista, maging ang musical scoring—ay “brilliant” at “groundbreaking.”

Kaya naman overwhelmed ang mga bida na sina Allison Asistio (Jaime) at Matthew Francisco (Winston), sa positive feedback ng mga manonood.

“I’ll never forget the comment that went, ‘Jaime is the God of seduction. The guy playing him is a God-tier BL actor.’ Another person said Matthew and I have chemistry daw and the sexual tension between us is on point,” says Allison.

“Masaya kaming lahat sa naging pagtanggap ng mga tao sa series namin. We didn’t think they would love it this much,” says Matthew. “I suppose that means we’re doing a good job.”

Noong January 18, may ginawang mainit na eksena sina Jaime at Winston sa ikalimang episode nito. Noong nakaraang linggo naman ay nag-No. 1 ito sa BLBoard Chart (isang lingguhang ranking ng BL series sa Pilipinas).

Malamang mananatili ito doon dahil panalo sa mga manonood ang matinding laplapan ng dalawang bida.

Ayon kay Allison, naka-isang take lang sila ni Matthew sa eksenang yun.

“Nag-usap kasi kami ni Matthew na kailangan gandahan namin yung eksena para one take lang. Medyo kinabahan kami pero masaya at the same time. First time kong gumawa ng ganun ka-intense na kissing scene, but confident naman ako kasi I know I’m a good kisser.”

“Super fullfilling naman yung pakiramdam namin after we did it, because alam namin na we did our best. We take every scene we do together very seriously. Siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit tuwang-tuwa yung mga tao sa show in general, kasi ramdam nila yung effort at pagmamahal namin sa ginagawa namin as actors,” dagdag ni Matthew.

Magkaka-season two nga ba ang Win Jaime’s Heart? Ayon kay Allison, oo dahil marami pang pwedeng puntahan ang kwento nina Win at Jaime.

“For me meron, kasi napakadami pang aabangan sa background ni Jaime,” ani Allison.

Sa ngayon, gusto munang magpasalamat nina Allison at Matthew sa lahat ng nanonood ng BL series nila.

“Sa lahat ng sumusuporta sa Win Jaime’s Heart, grabe kayo. I can’t thank you enough. Salamat talaga dahil na-appreciate niyo ang lahat ng binuhos namin sa paggawa nitong series na ito,” ani Matthew.

“Sana wag po kayo tumigil sa pag suporta!” dagdag ni Allison.

ALLISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with