^

Controversial female personality, nabuntis ng sikat na aktor!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

Marami nga ang nakakapansin na tahimik at hindi gaanong makuda sa social media itong controversial na female persona­lity. Dati siyang active sa showbiz, pero ngayon ay nasa ibang linya na siya pero paborito pa rin siyang pag-usapan sa showbiz lalo na kung may isyung pinagtatalunan.

Sabi nga ng isang kaibigan kong malapit din sa kanya, either you like her o hate her.

Pero napaisip nang matagal itong kaibigan naming taga-showbiz nang tanungin ko kung nakikita ba niya lately itong si female personality. “Oo nga! Matagal-tagal ding hindi ko siya nakikita. Parang hindi talaga siya nagpapakita,” bulalas niya.

Totoo bang nagdadalang tao na raw itong si controversial na female personality? Iyon pala ang usap-usapan sa umpukan ng ilang taga-media na hindi showbiz ang beat.

Hindi naman sila ganun katsismoso pagdating sa isyung showbiz, pero kumakalat na pala ang usap-usapang nasa interesting stage na ito.

Sinilip ko nga kahapon ang Instagram account niya, bihira na siya mag-post. Noong nakaraang buwan pa ang ilang ni-repost lang mula sa ibang personalidad.

Sabi ng ilang nakausap namin, reliable daw ang nagkuwento sa kanila na buntis na nga raw ito pero hindi lang nila ma-confirm kung totoo talaga dahil hindi na nga siya nakikipagkita lately.

Itong isyung buntis kasi ang mahirap talagang itago, dahil darating ang araw ay aaminin mo rin talaga. Pero ang ikinagulantang lang namin ay nang ibinulong sa amin kung sino raw ang nakabuntis.

Isang sikat na aktor daw ang nakabuntis sa kanya na hindi na rin gaanong visible sa circle ng kilalang female personality.

Naku! Naku! Kung totoo nga ito, isa ito sa malaking eskandalong pambulaga sa 2021!

Janine at Rayver, tuloy ang tapatan

Magtatapat ang magkasintahang Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa darating na Linggo ng tanghali.

Bibigyan daw ng bonggang welcome si Janine sa ASAP Natin ‘To na mapapanood na rin sa TV5.

Bukod pa riyan ay may pa-mega birthday celebration sila para kay Sharon Cuneta. Pero cool lang ang taga-All-Out Sundays dahil marami na ang sumusubaybay sa mga pa-TikTok challenge nila.

Ilan sa aabangan sa darating na Linggo ay ang production number ng nagpasikat ng awiting Magandang Dilag na si JM at si Lil Vincey naman ng Chinita Girl. Bentang-benta itong mga pa-Tiktok kasama sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, Ken Chan, Rita Daniela, at marami pa.

Curious lang ako dito sa gagawin ng mga taga-ASAP, sasabihin pa rin kaya nila ang lagi nilang sinasabing ‘mga Kapamilya’ kahit napapanood na sila sa TV5?

Actor ng seklusyon mapapanood sa BL

Simula ngayong araw ay mapapanood na rin ang isa pang BL movie na Run na obra ng theater director na si Mel Magno.  sa KTX.Ph kung saan nagkakahalaga lamang ng 199 pesos ang ticket.

Hango sa sariling karanasan ni direk Mel ang kuwento ng Run na kung saan tumatalakay sa pagtanggap ng mga kabadingan sa lipunan.

Tampok sa pelikulang ito sina Keann Johnson na nakilala sa MMFF movie The Boy Foretold by the Stars at si JR Versales na matagal na ring hindi napapanood pagkatapos ng MMFF hit ding Seklusyon.

PERSONALITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with