^

Alok na kasal hindi inasahan ni Ara

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Wala pang ibinigay na detalye si Ara Mina sa wedding plans nila ng PITC Undersecretary Dave Almarinez dahil kahapon lang siya bumalik ng lock-in taping sa Ang Probinsyano at nagsisimula na siya ng promo sa pelikula niya sa Viva Films na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar.

Naka-text ko si Ara at nabanggit niyang tatapusin daw muna niya ang mga nakabinbin niyang trabaho bago niya harapin ang paghahanda sa kanilang kasal.

Hindi pa niya ako masagot kung end of the year at kung anong tipo ng wedding ang napagkasunduan nila. Wala naman daw kasi sa hinagap niyang magpapakasal na siya.

Sobra siyang nasorpresa sa inihandang engagement sa kanya at ngayon lang unti-unting nag-sink in sa kanyang nakatakda na siyang ikasal.

Kaya ngayon lang din siya nagpu-post ng video ng proposal na inihanda ng NicePrint at isa-isa niyang pinasalamatan ang lahat na tumulong para mabuo at maging memorable ang araw na iyon.

Barbie pinangalandakang pinaka-pretty sa naging jowa ni Jak

Magsisimula na uli ang mga naudlot na drama series ng GMA 7. Kabilang dito ang Magkaagaw sa hapon at sa gabi naman ay ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na excited silang lahat na mapanood ang mga nai-tape nila sa gitna ng pandemya.

Mapapanood muna sa Lunes ang recap nito at sa February 8 na ang mga bagong episodes.

Kuwento ng direktor nilang si direk Mark Sicat dela Cruz, hindi raw nila ipinakita sa seryeng ito ang pandemya. Gusto raw nila ang dating normal  para kahit paano ay makalimutan ang hirap na pinagdaanan natin ngayon. “At that time kasi yung June mataas pa yung kaso natin, pero sobrang hype na hype pa ‘yung pandemya takot pa ang mga tao. So, naisip namin na kung ipapalabas ‘to ng July o August at mapanood ito ng audience…sawa na ang Pilipino na nakakulong lang sa bahay o naka-mask, pagod na ang Pilipino, ganun pa rin ba ang napapanood nila? Ayaw naming malungkot yung mga manonood namin kahit nakakalungkot yung pinapalabas namin ‘di ba?” pahayag ni direk Mark.

Puspusan na rin ang promo nila sa pagbabalik ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, at sa isang guesting ni Barbie Forteza ay game na game niyang sinagot ang mga baklaang tanong na ibinato sa kanya.

Nagulat siya nang tinanong ko tungkol sa nai-tape na guesting niya sa The Boobay and Tekla Show na kung saan idineklara raw niyang siya ang pinakamagandang girlfriend ni Jak Roberto.

Natawa na lang si Barbie dahil alam naman daw ng ex-girlfriends ni Jak na eklay lang daw niya iyon at pinaglaruan lang niya. “Eme eme lang ‘yun Tito Gorgy. Kilala mo naman ako,” bulalas ni Barbie. “Saka friends ko naman silang lahat. Feeling ko pag napanood nila matatawa lang sila dahil alam naman nila na wala naman akong sineseryoso talaga.

“Lalo na ‘pag mga ganyan, ‘yang mga TBATS naku gustung-gusto nila ‘yan. Lalo ka na Tito Gorgy!” natatawa pa niyang sabi sa akin.

Iniisip ko tuloy kung sinu-sino ba ang mga naging girlfriends ni Jak na mga kaibigan nga naman ni Barbie.

Masaya lang daw ang guesting niyang iyon sa TBATS na sa January 24 pa pala mapapanood dahil ang virtual concert pa ni Alden Ri­chards ang mapapanood sa darating na Linggo.

Samantala, consistent na mataas ang rating ng All-Out Sundays kaya fiestang-fiesta sila sa Linggo dahil masayang selebrasyon sana iyun ng  Sinulog sa Cebu at Dinagyang sa Iloilo.

Pero dahil sa pandemya, wala muna ito at matamlay ngayon ang kalye ng Cebu, Iloilo at pati sa Tondo na magdiriwang ng fiesta ng Sto. Niño.

 

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with