^

PSN Showbiz

Angel, Anne, Kathryn, Sarah at Vice, doble-doble ang natanggap na award

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel, Anne, Kathryn, Sarah at Vice, doble-doble ang natanggap na award
Sarah

In all fairness, tuluy-tuloy pa rin ang pagkilala sa mga personalidad ng ABS-CBN sa paggamit nila ng kanilang impluwensiya sa mabuting paraan matapos hirangin kamakailan sa 10th EdukCircle Awards ang walong Kapamilya stars bilang Most Influential Celebrities of The Decade.

Pasok sa listahan ang Iba ‘Yan host na si Angel Locsin. Matatandaang nanguna si Angel sa maraming fundraising projects para malabanan ang CO­VID-19 at relief efforts sa sunud-sunod na kalamidad ngayong taon.

Ani Angel sa kanyang acceptance speech, lahat ng tao may responsibilidad na impluwensiyahan ang kapwa na gawin ang tama. “I believe we all have the responsibility to influence one another – to do what is right, to lift each other up, to create awareness about important matters, and to use our voice for the voiceless.”

Kabilang din sa listahan ang It’s Showtime host na si Anne Curtis pati na ang aktres na si Bea Alonzo na parehong nangako na ipagpapatuloy nila ang pagiging mabuting ehemplo sa publiko, lalo na sa kabataan.

Nagpasalamat din sa EdukCircle dahil sa tiwala sina  FPJ’s Ang Probin­syano star Coco Martin, The House Arrest of Us stars Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Popstar Royalty Sarah Geronimo, at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa natatanging parangal.

Samantala, nagningning din ang ibang Kapamilya stars na napasama sa listahan ng Forbes Asia’s 100 Digital Stars na layuning kilalanin ang pinaka ma-impluwensiyang mga personalidad sa Asia-Pacific.

Doble ang parangal para kina Angel, Anne, Kathryn, Sarah at Vice dahil pasok din sila sa listahang ito.

Napansin din ng Forbes Asia si Kim Chiu dahil sa kabila ng masasakit na salita na natanggap niya sa social media dahil sa ‘bawal lumabas’ niyang paha­yag, ginamit niya ang popularidad nito para magbenta ng t-shirts upang makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Maaalala ring naglabas si Kim ng kanta na hango sa kanyang viral statement na umani ng higit sa 9 milyong views sa YouTube.

Masaya at mangiyakngiyak si Kim sa pagkilala.

Ang susunod na proyekto ni Kim ay ang Bawal Lumabas: The Series na mapapanood na simula Disyembre 14 sa iWantTFC.

Nauna nang sinabi ni Cong. Lito Atienza nang makausap namin na hindi hula kundi reality ang sinasabing pagbubukas muli ng ABS-CBN sa 2021. “Hindi hula ‘yun that’s a reality. I’m confident justice will prevail by next year.”

Hintayin natin. Ilang tulog na lang at kinasasabikan na ng marami ang pagpasok ng 2021 lalo na nga at halos three months lang naging normal na buhay ng karamihan dahil sa pandemic.

Makakabalik nga ba ang ABS-CBN sa free channel sa pagpasok ng new year?

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

BEA ALONZO

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with