Oops: Kim Chiu 'nadulas' sa ugnayang Gerald Anderson-Julia Barretto sa live TV
Napa-"peace sign" na lang si Kim Chiu (kaliwa) matapos magulat ang mga tao sa nasabi niya patungkol sa ex-boyfriend na si Gerald Anderson (kanan) at aktres na si Julia Barretto, ika-28 ng Oktubre.
Video grab mula sa Youtube channel ng ABS-CBN Entertainment; Instagram account ni Gerald Anderson
Oops: Kim Chiu 'nadulas' sa ugnayang Gerald Anderson-Julia Barretto sa live TV
James Relativo (Philstar.com) - October 28, 2020 - 7:49pm

MANILA, Philippines — Patong-patong ngayon ang espekulasyon ng netizens hinggil sa "real score" sa pagitan nina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos tila kumpirmahin live on television ng dating nobya ng aktor.

Number 1 trending kasi ngayon si Kim Chiu matapos puntahan ang social media account ni Gerald para sa isang televised "punishment": "Tapos pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto."

 

 

 

"Ay... bawal ba [sabihin]?" wika niya matapos i-like ang limang Instagram posts ng ex-boyfriend para sa segment ng "It's Showtime" ngayong Miyerkules.

Tila shocked naman si Kim sa naging reaksyon ng ibang "Showtime" hosts sa kanyang sinabi, at napa-"peace sign" na lang habang nakangiti.

Maririnig pa sa background ang ibang hosts na sinasabi ang sumusunod matapos ang statement ni Kimmy: "Live tayo ngayon... Live!"

 

 

Taong 2019 pa nababalitang may kinalaman si Julia sa hiwalayang Gerald-Bea Alonzo, ngunit nananatili pa ring tahimik ang kampo ng aktor at ng unang nabanggit.

Dati na ring itinanggi ni Julia na naging sila ni Gerald noon at ngayon.

Basahin: Gerald Anderson still mum on real score with Julia Barretto

May kinalaman: Julia Barretto finally speaks up on alleged relationship with Gerald Anderson

Matatandaang kinampihan pa ni Gretchen Barretto si Bea nang mangyari ang break-up, kahit na pamangkin niya mismo si Julia.

'It's just a game'

Habang ginagawa ang kanyang "FUNishment," tiniyak naman ni Kimmy na walang dapat ipagselos ang kanyang celebrity jowa na si Xian Lim sa kanyang ginawa sa telebisyon.

"Hi Xi! Nanunuod ka ngayon, Xi. This is just a game, Xian Lim!" wika ng kinakabahang girlfriend.

Unang nagkrus ang landas nina Kim at Gerald nang lumabas sa reality TV series na "Pinoy Big Brother," hanggang sa maging magkarelasyon sa totoong buhay.

Nagresulta ito sa pagkakaroon nila ng maraming proyekto hanggang sa maging onscreen love team na rin. Taong 2010 nang mag-break ang tambalang "Kimerald."

"Bakit niyo naman isasali 'yung taong 'to [Gerald]? Nananahimik na kami ah?" patawang sabi ni Kim nang unang banggitin sa kanya ang kanyang parusa.

"Isang dekada na ang nakalipas. Xi, alam mo naman ang totoo."

GERALD ANDERSON IT'S SHOWTIME KIM CHIU XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with