Sunshine nakatanggap ng bulaklak mula sa Ecuadorian fans
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sunshine ang natanggap na cake at bouquet mula sa kanyang Ecuadorian fans bilang pasasalamat sa pagpapaunlak ng aktres na maka-meet and greet sila via Zoom.
STAR/ File
Sunshine nakatanggap ng bulaklak mula sa Ecuadorian fans
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2020 - 12:00am

Hindi lang sa Pinoy fans tumatak ang iconic role ni Sunshine Dizon bilang si Emma sa top-rating series na Ika-6 Na Utos dahil maging sa Ecuador ay marami na rin ang nagmamahal sa Kapuso actress.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sunshine ang natanggap na cake at bouquet mula sa kanyang Ecuadorian fans bilang pasasalamat sa pagpapaunlak ng aktres na maka-meet and greet sila via Zoom.

May kalakip ding mensahe ang naturang regalo, “We adore you as an actress, as a mom, and your perso-nality as a whole. We hope to meet you again and you’ll have the chance to visit our country someday.”

Inaabangan din daw nila ang paglalabas ng sariling libro ng aktres, “In our country, we say that a well-rounded actress can be a great writer. So one day, we are looking forward to reading some of your books whichever genre it may be.”

“We want to let you know that you’re such an inspiration to us, especially to the women and even the younger generations. We love you so much and you will forever be our queen,” dagdag pa sa liham.

Isa ang Ika-6 Na Utos sa Kapuso shows na kasaluku-yang napapanood sa Ecuador.

SUNSHINE DIZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with