TV host na naudlot ang comeback, nautangan ng P1 milyon ng producer
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2020 - 12:00am

Awww, pera pala ang dahilan kaya hindi natuloy ang show ng isang dating super in demand na TV host at mapapanood sana sa isang channel na nagiging active na uli.

Chika ng isang source, wala talagang pera ‘yung producer.

In fact, ayon pa sa source, nakautang pa ang producer sa TV host ng P1 million.

At ang siste, hindi na raw naibalik sa TV host ang nasabing isang milyon.

At ang mas masaklap pa, wala raw palang alam sa marketing ang mga tauhan ng nasabing producer na nanatiling misteryoso.

Mahiwaga kung ano nga bang rason at biglang nakansela ang nasabing programa ng dating reyna ng TV at ayun pala, datung.

Kelan nga kaya makakabalik sa free TV si TV host?

Sayang naman talaga na wala siya ngayong regular show.

Ba’t kaya hindi na lang siya ang mag-produce ng sarili niyang programa para walang maging problema?

Tutal handa naman pala siyang maglabas ng pera.

TV HOST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with