^

PSN Showbiz

Ted sasabayan ang martial law ng pag-uumpisa ng show sa TV5

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ted sasabayan ang martial law ng pag-uumpisa ng show sa TV5
Ted
STAR/ File

Gladys tumangging magpa-swab para sa one day taping

Sa anniversary ng Martial Law, September 21, pala ang umpisa ng show ni Ted Failon sa Radyo5.

Bukod sa programa sa Radyo5, magkakaroon din umano ng news program si Ted na makakatapat ng TV Patrol ayon sa narinig na kuwento ni Nay Cristy Fermin.

By the way, habang ongoing ang Take It… Per Minute, Me Ganun kahapon, ang no. 1 digital talk show nina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu ay tumawag si Gladys Reyes kay Nay Lolit (talent manager niya).

Gini-guest siya sa isang show – one taping day lang. Pero kailangan niyang magpa-swab test dahil kasama sa protocol ang swab test kahit isang araw lang ang taping mo.

Pero ayaw magpa-swab ni Gladys dahil masakit daw.

Though kung regular show, payag siyang mag-swab.

Lahat ng nagbabalik sa taping ay kailangang magpa-swab before and after the taping. Sagot daw ‘yun ng production.

Naka-stipulate na rin daw sa contract na sagot ng production ang gastos ng kahit sinong mai-infect ng virus kaya lahat daw talaga ay pinag-iingat dahil nga hindi biro ang gastos.

Anyway, ang saya ng TIPMMG kahapon, dahil sa blind item ni Mr. Fu. Pero ang hirap hulaan though yung isang actor nahulaan ng ibang ­viewers. Kahit si Nay Lolit ayaw niyang ibuko.

Sa mga hindi nakapanood ng live kahapon, maki-Team Replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON and YouTube Channel.

Special shout out sa live viewers na hindi namin nababasa ang comments dahil sa rami na majority ay galing pa sa abroad.

Special thanks din sa Calcium Cee na sponsor ng TIPMMG kahapon.

vuukle comment

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with