^

PSN Showbiz

EB may forever…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
EB may forever�
Tito, Vic at Joey
STAR/ File

Tuwang-tuwa ako sa Eat Bulaga pag nanonood ako. Imagine a show na 41 years old na at going strong pa rin hanggang ngayon.

Imagine na kung may anak kang kasabayan ng Eat Bulaga, magpo-forty-one years old na at baka meron ka nang apo sa anak mo ‘di bah?

‘Pag nanood ka ng Eat Bulaga, talagang puwede mong isabay ang pagre-reminisce sa buhay mo for the years na kasabay ng Eat Bulaga. Mahirap nang tapatan ang nagawa ng Tito, Vic at Joey na tumagal ng ganoon kahaba ang programa nila.

Totoo ngang family ang samahan nila to last that long. Kaya hindi kataka-taka na ganoon katibay ang samahan nila, me­rong forever sa Eat Bulaga, katibayan ang tagal ng programa.

Eat Bulaga, icon talaga.

Pinatapos ang ghost month!

Talagang sinagad na ni Salve ang ghost month ng August dahil mas type niya na sa September 1, unang Tuesday ng Ber month, ang comeback ng Take It… Per Minute Me Ganun.

Sabagay, mas bitin nga naman kung bigla kaming lumabas last Tuesday, pero ipagpe-pray ko na sana wala nang maganap na Q sa September at sa mga buwan ng Ber para tuluy-tuloy na kami at walang hassle.

‘Katamad na biglang hihinto ang show dahil may Q na naman, tapos babalik na naman uli. Nakakawala ng momentum, at promise, nakakainis lalo pa at may mga balita ka na gustong ibigay pero hayun nga, hindi puwede dahil merong Q.

Ang tiyaga nga ng followers namin dahil waiting pa rin sila kahit na erratic nga ang sked ng TIPMMG noh, buti na lang meron kaming mga loyalist na talagang hindi bumibitaw kundi naku, talagang walk out na kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu, tandaan mo iyan, Salve. (Hahaha. Safety first  po Nay. – Salve A.)

Letter q nakakasawa na…

Sa sobrang tagal ng quarantine period, para bang hindi ka na sanay na walang Q sa buhay natin, Salve, hah hah.

Hindi na nga biro ‘yung cabin fever na talagang aatake sa iyo dahil sa tagal ng pag-stay mo sa bahay, pati na rin ng boredom, dahil kahit ano pang sabihin ay limited naman ang galaw mo dahil nga bawal lumabas.

Hay naku, lahat na yata ng magazines, pocketbooks, TV shows at mga serye ay naubos na sa tagal ng quarantine.

Pero meron pa ring hope na baka naman by December, open sesame na ang feeling ng lahat, baka ‘yung malls ay mapuno na rin ng mga sabik sa malling na tulad ni Salve. At sana naman, magkaroon na rin ng interest sa sinehan para mabuhay uli ang showbiz.

Please, sawa na kami sa Q, ibang letter naman, hah hah.

vuukle comment

EB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with