^

PSN Showbiz

Mapagpaniwala sa mga sinasamba aktor puro dakdak lang, walang naitulong sa pandemya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya sa kabila ng kanyang pagpapakalalim ay mababaw pa rin ang tingin ng mas nakararami sa isang popular na male personality?

Kahit pa anong kuwento tungkol sa kasaysayan ang kanyang litanyahin ay walang pagbabago ang tingin sa kanya, latang walang laman, kaya siya maingay.

Sabi ng isang source, “Credibility ang wala siya. Kahit anong sigaw pa ang gawin niya, e, pagdududahan pa rin ang mga pinagsasasabi niya.

“Bigla na lang kasi siyang nagkaganyan, hindi naman unti-unti ang pagbi-build-up niya ng image niya, nawindang na lang ang buong bayan dahil iba na ang pinagsasasabi niya!

“Saka nakakulong siya sa mundo ng pulitika, meron siyang pinapanigan, kaya kahit ano’ng sabihin niya ngayon, e, kinukuwestiyon dahil sa political leanings niya,” pahayag ng aming source na propesor.

Ayon naman sa iba ay kulang sa pagsasaliksik ang male personality. Mabilis siyang mapagpaniwala sa mga bulong at kung ano ang mga impormasyong nakararating sa kanya.

Sabi ng aming source, “Dakdak siya nang dakdak, pero fake news naman ang inilalabas niya sa social media. Kung ano na lang ang mabasa niya o marinig niya, ‘yun na ‘yun!

“Saka mahilig siyang makipagbangayan! Sa panahon ng pan­demya na naghihirap na ang buong bayan, e, pakikipag-away pa rin ang inaatupag niya.

“Kung pagtulong ba naman sa mga nawalan ng trabaho ang inaatupag niya, e, di makukuha pa niya ang kalooban ng mga kababayan natin? Kaso, puro pakikipag-argumento ang ginagawa niya, puro pulitika ang nasa utak niya!” inis na komento ng aming impormante.

Nakatutok lang sa isang direksiyon ang isip ng male personality. Walang pinakamagaling para sa kanya kundi ang kulay ng pulitikong kinabibilangan niya.

Pagtatapos ng aming source, “Wala siyang nakikitang maganda sa ibang tao, ang pinakamagaling lang para sa kanya, e, ang mga taong kaalyado niya.

“Paano naman siya paniniwalaan na malalim siya kung ganyan na nakadilat ang mga mata niya sa mga kakampi niya sa pulitika, pero nakapikit naman para sa iba?”

Ubos!

Reporter walang alam sa totoong kuwento ng bigay na P5 milyon ni Willie

Kinuyog sa social media hindi lang ng mga tagasuporta ni Willie Revillame kundi pati ng mga kababayan natin ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada.

Nagmayabang daw kasi si Willie, sabi ng reporter, dahil pinadaan pa ng aktor-TV host kay Presidential Spokesman Harry Roque ang limang milyong pisong ibinahagi niya sa mga jeepney dri­vers na dahil sa kawalan ng kabuhayan ay napilitan nang mamalimos na lang sa kalye.

Kung gusto raw talagang makatulong ni Willie, dapat ay diretso na lang niyang ibinigay sa mga motorista ang kanyang ayuda at hindi na kinailangan pang padaanin kay Attorney Harry Roque, katsang pa ng reporter ng Rappler.

Dahil du’n ay pinakain ng apdo ng mga kababayan natin ang reporter, wala raw talagang magandang nakikita ang reporter na ‘yun kapag kunektado sa gobyerno ang usapin, kung sa Dilawang pulitiko raw pinadaan ni Willie ang kanyang tulong ay siguradong ginawa na siyang bayani ng reporter.

Walang alam sa pangyayari itong si Aling Pia. Nakakahiya ang sinabi nito na parang hinay-jack daw ni Willie ang press briefing ng Malacañang para lang siya makapagyabang.

Ilang araw na ginamit ng Malacañang ang isang studio ni Willie sa Wil Tower dahil may nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lugar.

Sa huling araw ng paggamit ni Attorney Harry Roque sa studio ay talagang gusto nilang magpasalamat nang personal kay Willie sa pagpapahiram niya ng studio. At dahil nandu’n na rin lang siya ay pinadaan niya na sa abogado ang limang milyong tulong niya sa mga namamalimos na jeepney drivers para maiendorso sa DSWD.

Pagyayabang ba ang pag-ayuda sa mga kababayan nating nagdarahop? Kung tutuusin, ang limang milyong ibinigay ni Willie ay puwede na lang niyang gastusin sa pangsarili niyang kapakanan, pinaghirapan niya ang malaking halagang ‘yun kaya siya ang hari ng kanyang bulsa.

Pero magiging maligaya ba si Willie kung nakakakita siya ng mga Pilipinong nilunok na ang lahat para lang sila makasalba sa pagkagutom kaya umaamot na lang sila ng awa mula sa barya-baryang natatanggap nila mula sa panglilimos?

Nang-hijack daw si Willie sa press briefing ng Palasyo? Sa sarili niyang gusali? Sa ipinahiram niyang studio sa Malacañang?

Alam ba ng Pia Ranada na ito na nu’ng mana­lanta ng mga buhay at kabuhayan ang bagyong Yolanda ay nagbigay rin nang sampung milyong piso si Willie Revillame sa DSWD?

Walang kulay ng pulitika ang kanyang pagtulong, kahit sinong pangulo ang nakaluklok sa Palasyo ay nakahanda ang kanyang puso sa pag-ayuda sa ating mga kababa­yang may matinding pangangailangan, kadakilaan ‘yun at hindi pagyayabang.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with