Ibang kapamilya stars ayaw tumigil sa protesta
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2020 - 12:00am

Marami ang nakapansin sa ipinost ng character actress na si Chai Fonacier sa kanyang Twitter account na ipinapara-ting sa mga taga-ABS-CBN 2.

Aniya; “Somebody explain to me if ABS-CBN is willing to bare teeth against all of this. Namamaos na ang mga tao sa kakasigaw on their behalf.”

Meron pa siyang sinagot na isang netizen ng; “Pro worker ba talaga o kapitalista pa rin? Ngipin ba ang meron sila or suckers?”

Napatango ang ilan sa mga nakausap ko dahil itinatanong na rin ng iba kung hanggang kailan nila ipaglalaban ang hinaharap ng Kapamilya network.

Okay lang sa mangilan-ngilang nagtatrabaho sa ABS-CBN 2 dahil tuloy pa rin ang programa nila, at meron pa rin show ang ibang mga artista. Pero paano naman ang iba na hanggang ngayon ay nganga pa rin?

Mabuti ang ibang big stars dahil kahit siguro isang taon silang walang trabaho sa TV at pelikula ay nakaka-survive pa rin sila dahil may mga endorsement at malamang kumikita sa kanilang social media accounts.

Marami nga ang pumuri sa magka-loveteam na Liza Soberano at Enrique Gil dahil nagpasabi na sila through their manager na si Ogie Diaz na hangga’t hindi sinasabi sa kanila ng ABS-CBN 2 na puwede na silang magtrabaho sa iba, mananatili pa rin silang nasa Kapamilya network.

Nandiyan pa rin kasi ang Star Magic at sinasabi na ngang puwede pa itong manatili dahil okay pa rin naman ang pag-manage nila sa mga artista. Puwede pa rin itong tumayo kahit naka-shutdown na ang ABS-CBN 2. Nauna nang napabalita na suspended na ang ang kontrata ng mga ABS-CBN stars kaya puwede na silang lumipat sa ibang istasyon basta magpaalam lang daw.

Pero bakit may nakakarating pa sa aming kuwento na meron na raw nagpapaalam pero hinu-hold pa rin daw at hindi naman daw sila ina-allow na umalis? Totoo kaya ito?

Kahit paano ay tuloy pa rin kasi ang ABS-CBN 2 sa Kapamilya Channel at nasisilip ko pa nga sa iWant TV.

Ang latest ngang narinig ko pinabulaanan nilang umalis ng bansa si Mr. Gabby Lopez. Hindi raw totoong umalis ito, lulan ng isang special flight na dumaan sa NARITA, Japan.

Direk laurice, na-excite sa pagsasanib ng MMFF at Cinemalaya

Nakapanayam namin nung Miyerkules ng gabi sa DZRH si direk Laurice Guillen na nag-induct na kahapon bilang bagong miyembro ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival kasama si direk Nick Lizaso.

Sabi niya, ang isa sa mga dahilan kung bakit tinanggap niya ang MMFF ay dahil sa posibilidad na pagsasama sa MMFF ng Cinemalaya.

Aware daw siya sa isyu nito kay FDCP Chairperson Liza Diño, kaya nilinaw lang daw niyang wala itong legal impediments.

“Nung tinawagan ako, yes I’m willing naman to serve… ‘yung film industry taga-rito ako eh.

“I’m willing to help in any way I can maliban lang sa mag-head ng kung anong position. Kasi happy na ako sa Cinemalaya pa lang,” sabi ni Direk Laurice.

Sabi pa niya; “I have a lot of freedom and a lot of opportunities na ma-carry out yung mga visions ko, ideas ko, dreams ko for the film industry.

“Saka interesado rin daw ang Chairman para ma-explore yung mutual operation namin between MMFF and Cinemalaya, na-excite ako sa totoo lang. Yes I’m willing to serve.”

Aware din siya sa sinabi ni Liza na nasa mandato ng FDCP ang pag-handle ng mga film festival kagaya nitong MMFF.

Sagot diyan ni direk Laurice; “It is suppose to support. It can organize, it can support, but it does not mean it can take over existing film festival.”

Hindi pa raw niya alam kung ano ang pinaghahandaan ng MMDA para sa ngayong MMFF dahil hindi pa siya nakasali sa meeting.

Samantala, halos araw-araw pala ay nagmi-meeting sina direk Laurice at ng mga taga-Bilangin ang Bituin sa Langit dahil pinaghahandaan na nila ang pagbabalik nito sa taping.

Tinitiyak daw nilang kung saan sila magti-tape ay doon na sila lahat hanggang sa matapos ang buong kuwento kaya dapat daw ay kumpleto na lahat ng kailangan nila sa taping.

MMFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with