^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad na galing sa hirap, hindi basta-basta naglalabas ng pera sa pamilya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matulungin sa kanyang pamilya ang isang sikat na male personality. Hindi niya sinasarili lang ang mga biyayang dumarating sa kanya. Pero maraming kuwento tungkol sa pagbibigay niya ng ayuda.

Masinop sa kabuhayan ang male personality, kailangan niyang maging maingat, dahil hindi naman siya ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.

Dumaan siya sa matinding kahirapan, iba-ibang trabaho ang pinasok niya para lang mabuhay, kaya talagang pinahahalagahan niya ang bawat sentimong pinaghihirapan niyang pagtrabahuhan.

Kuwento ng isang source na malapit sa sikat na male personality, “Hinding-hindi na siya papayag na bumalik sa dating buhay niya. Ni pambili nga ng belekoy, e, wala siya nu’n!

“Bago siya maglabas ng pera, e, parang kailangan pang dumaan ‘yun sa hearing sa Senado o Kamara, pinag-aaralan niyang mabuti kung ano ang mga pinagkakagastusan niya.

“Ganu’n siya kasinop. Kailangang may balik na maganda ang ilalabas niyang halaga, wala sa utak niya ang magsayang ng pera,” unang sultada ng aming impormante.

Totoo, hindi siya maramot sa kanyang mga mahal sa buhay, pero may mga ritwal palang pinagdadaanan ang bawat pag-ayuda niya.

Patuloy ng aming source, “Dahil siya ang nagpapakahirap sa pagtatrabaho, dahil siya ang napupuyat nang magdamag at maghapon sa set, e, alam na alam niya ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pera.

“Kapag may kapamilya siyang humihingi ng tulong, e, hindi siya agad magbibigay. Kailangan munang dumaan ‘yun sa napakahabang usapan. Tatanungin niya munang mabuti ang humihingi ng tulong sa kanya kung saan ‘yun mapupunta.

“Kapag sa palagay niya, e, hindi maganda ang kauuwian, hindi siya magbibigay. Siya na ang humuhusga, hindi ang humihingi ng tulong sa kanya.

“Ganu’n siya, kaya nagkakamali ang mga nagsasabing nakasandal sa pader ang mga kapamilya niya, maingat ang sikat na male personality sa pagtulong.

“Bakit nga naman, e, ang katawan niya ang hirap na hirap sa pagkita? Kung dati, e, ni wala siyang pambili ng belekoy lang, ngayon, e, puwede na siyang bumili ng palaman niya sa tinapay!” pagbibigay pa ng clue ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Kapamilya employees, lutang, mga wala sa sarili

Patapos na ang buwan ng Hulyo, papasok na ang Agosto, ang tinatawag na “ghost month” ng mga empleyado ng ABS-CBN.

Magaganap na ang pagtatanggalan sa trabaho, meron namang makukuhang benepisyo ang mga matatanggal, pero ang tanong nila ay kung hanggang kailan ‘yun tatagal?

Sa matinding hirap ng sitwasyon ng ating bayan ngayon ay nakapag-aalala naman talaga ang kinabukasan. Puro palabas ang pera, walang pumapasok, dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.

Nakakalungkot ang kuwento ng isang dati naming kasamahan sa istasyon, ang kanyang sabi, “Di ba, malaki naman ang pasilyo ng network, puwedeng magsalubungan kahit sampung tao?

“Akala mo ba ang nangyayari ngayon? Nagkakabanggaan ang mga magkakasalubong. Hindi nagkakaiwasan, kasi nga, nakalutang ang isip ng mga nandu’n. Parang naglalakad sila nang wala sa sarili,” kuwento ng aming kausap.

Marami nang production staff ang nakalinyang mawalan ng trabaho, ayon sa aming source ay ang mga may programang ginagawa lang ngayon ang maiiwan, hindi na nakapagtataka kung bakit maraming nagpaparamdam sa GMA-7   at sa TV5 ng pangangailangan ng malilipatan.

Napakasaklap na kapalaran. Muli ay ang tanong ng bayan, sino nga ba ang mag-aakala na maipasasarado pala ang pinakamalaking network sa ating bayan, iba na raw talaga ang napag-iinitan.

Angel napuri sa pagso-sorry

Humingi na ng dispensa sa kanyang mga kasamahang personalidad si Angel Locsin kung meron man siyang mga nasaktan.

Kahanga-hanga ang kanyang ginawa, ang pagpapakumbaba ay napakagandang aksiyon, ‘yun ang tulay na babasag sa pader ng paghusga sa kanya ngayon.

Sadya man o hindi, ang tanging layunin lang daw naman ni Angel ay ang pagsuporta sa kanilang network at sa libu-libo nilang mga kasamahang mawawalan ng trabaho.             

Pero dinaig siya ng kanyang emosyon, nakaligtaan niyang pumili ng mga salitang magiging positibo ang dating, kaya talagang marami siyang nasaktang mga kasamahan.

Reaksiyon ni prop, “Mabuti naman at hanggang maaga, e, na-realize niya ang pagkakamali niya. Marami siyang sabit, marami siyang dapat ipaliwanag, dahil sa pag-akto niyang leader sa pagkilos na ginagawa nila for the station.

“Totoong we allow ourselves to make mistakes, but we also allow ourselves to be rescued. May time for realization. Mag-ingat na siya sa susunod sa pagpapakawala ng mga salitang lumalatay.

“Hindi unity ang hinahanap niya kundi mga kaaway,” madiing pahayag ng kaibigan naming propesor.

Amen.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with