Marvin
Marvin, may dessert business na rin
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 30, 2020 - 12:00am

Mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng covid-19 pandemic ay maraming negosyo ang naapektuhan. Hindi rin naging maganda ang epekto sa mga restaurant na pag-aari ni Marvin Agustin dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa. Nakaisip ng bagong negosyo ang aktor dahil sa ilang buwan nang pananatili lamang sa bahay. “Kailangan mag-survive. I’ve been cooking and selling before but I was initially intimidated with baking. It’s so precise. It takes so much of your time,” pahayag ni Marvin.

Nagbebenta ngayon ang aktor ng iba’t ibang klaseng desserts na ginagawa lamang lahat sa bahay. Kinailangan umanong humanap ng mga bagong recipe at kaalaman ni Marvin para sa bagong negosyo. “Some recipes and techniques, I found on Google. I made a series of batches and sent them to friends. They liked the products, until I was satisfied. Then the orders started coming. It became a natural progression for me. After I somewhat got bored with banana bread, I started making carrot cake with walnuts. Chocolate chips and cream cheese. I also make chocolate chip cookies,” kwento niya.

Marami na ang tumatangkilik sa bagong negosyo ni Marvin kaya naman kinailangang magpatulong na sa dati niyang tauhan. “When the orders kept coming, I couldn’t handle them anymore. So I had to get someone. We had a baker then, but she had to leave and work for a cruise ship. She returned home because all the cruise ships were locked down. I now have someone to help me with all the orders and deliveries. She stays here in the house. I cannot do all the orders alone. The orders increase every two days,” pagdedetalye ng aktor.

Maaaring makita ang mga produktong itinitinda ni Marvin sa @mr.vinmunchies sa Instagram.

Edu, naging abala habang lock down

May ilang mga bagay na natutunang gawin si Edu Manzano ngayong hindi pa muling nakapagtatrabaho bilang isang aktor. Ilang buwan nang nananatili lamang sa bahay si Edu dahil sa pagpapatupad ng community quarantine. “As you know medyo kaming nakakatanda nang konti sa inyo, of course we’re confined to barracks ika nga. Natuto na rin akong mag-gardening. Natuto akong mag-trim ng bonsai,” bungad ni Edu.

Bukod sa pagtatanim ay marunong na ring magluto ang aktor ngayon. “Tinuturuan din ako ng cook ng mga sinigang. Kasi alam n’yo naman dati ang schedule natin halos hindi tayo pumipirmi sa bahay. Tatawag ka lang, ‘Oh, babalik ako, gawan mo ako ng sinigang.’ Wala kang chance talaga na tumagal. Sabi nga you have nothing on your hands but time. So ayaw kong nabo-bored. Nagtayo ako ng ilang hawla para sa mga aso. So binigyan ko ng matinong place for them to stay na kumportable, malamig at hindi kung saan-saan sila pakalat-kalat doon sa property,” pagdedetalye ng aktor. Reports from JCC

MARVIN AGUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with