^

PSN Showbiz

TIPMMG libo-libo ang tumututok!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Natuwa ako, Salve, umabot sa 1.1K ang live viewers ng Take It… Per Minute, Me Ganun natin at libo-libo rin at halos umabot ng milyon ang views sa replay, dahil nga siguro sa maiinit na issues na na-discuss natin.

Nakakatuwa dahil ‘yung pre-programming na batian-chikahan portion ay sinusundan pa rin ng followers, dahil nga hindi namin alam na sinasagap na pala ng sound bago tayo mag-umpisa.

At cute ‘yung glass partition na binigay ni Filipina Magtalas ha at ‘yung face mask na hinihingi ng pamangkin kong si Apple, dahil parang giveaway ng programa.

I love our viewers na buong tiyaga sa panonood sa atin, nagbibigay ng mga regalong pagkain at ang patuloy na sumusuporta sa pagpi-place ng ads.

Thank you from us, Cristy Fermin, Mr. Fu at Salve, salamat talaga.

Bagong K Drama ni Kim Soo Hyun, sinusubaybayan

Hay, mayroon na namang serye si Kim Soo Hyun, ang Korean actor na pinagmulan ng Korean addiction ko, ang Love From the Stars.

Iyon serye niya na It’s Okay to Not Be Okay ay malakas daw ngayon sa Netflix.

Naalala mo ba, Salve, na pumunta pa tayo sa Okada Hotel para makita siya nang personal at talagang tili ako nang tili ng I love you Kim Soo Hyun at smile siya na parang nalolokah na isang matandang babae na tulad ko ay sigaw nang sigaw ng I Love You.

In all fairness, ang laking tingnan ni Kim Soo Hyun sa screen pero hindi siya ganun ka hunky in person dahil medyo lean type siya, but ang sexy at cute niya lalo na pag naka-smile, saka mukha siyang mabait dahil very sincere ang smile niya.

At kahit si Jo In-Sung ang ever love ko, idol ko pa rin si Kim Soo Hyun dahil mahusay siyang umarte at iyon nga, mukha siyang natural na mabait.

Maganda rin ang career path niya dahil paglabas niya ng military training heto at meron agad siyang bagong project.

Kaya heto at buff na buff ang katawan niya, mukhang physically fit talaga.

Hay naku, pag natapos ang serye niya, magpapa-download ako agad niyan at marathon watching na naman ako sa number 2 love ko, si Kim Soo Hyun.

Mga bata ngayon mahusay na sa baking

Alam mo ba Salve na inggit na inggit ako sa inyong dalawa ni Cristy Fermin? Naloka ako na si Aries na 12 years old, nakakagawa na ng lava cake, at iyong apo ni Cristy na si Chammie na kung tawagin niya ay Bukid dahil sa hindi pa tapos ng high school nagbi-bake na ng mala-Mrs. Fields na cookies.

Wow talaga, so young, so talented, at sa suporta n’yo ni Cristy, years from now baka mas masarap pa at mas maarte ang maging pagbi-bake ni Aries at Chammie.

At baka hindi na lang baking ang mailuto nila, maging food magnate na sila. Nakikita ko na magiging Donya Salve at Madam Cristy kayo, dahil bata pa talented na mga anak at apo n’yo, talent na puwede pang madagdagan, puwedeng maging malaking business someday.

Kailangan alagaan n’yo mabuti si Aries at Chammie, baka sila ang maging pinaka-successful entrepreneur someday, at honest ha, nasarapan ako sa lava cake at oatmeal cookies nila, eh ito ang hilig ko.

Naku pag naging business nila ito, promise isa ako sa magiging suki nila.

vuukle comment

KIM SOO HYUN

TIPMMG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with