^

PSN Showbiz

Lea may karapatang tumalak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Lea may karapatang tumalak
Lea
Photo release

Nagalit daw si Lea Salonga dahil sa mali ang pagkakasulat ng pa­ngalan niya, Salve.

Kahit naman siguro ikaw, Salve, kung naging international star ka na at sa tagal mo sa profession mo ay maiinis ka na mali pa rin ang pagkakasulat sa pangalan mo.

Mayroon namang karapatan ang isang Lea Salonga sa bagay na iyan.

Kung minsan kasi dapat talaga maingat ang sino mang nautusan para isulat ang isang bagay, magtanong kung hindi tiyak at mag-research nang mabuti.

Sige, Lea, dapat lang, star kang tunay kaya dapat tama ang pangalan mo pag inilagay kahit saan, kaya ok lang na magalit ka.

FPJ never noong nag-text

Alam n’yo ba hanggang sa namatay na lang si FPJ o Fernando Poe Jr. hindi siya nakapag-text?

Narinig ko iyan nang nagkukuwentuhan noon sina Rudy Fernandez, Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Nagtatawanan sila kasi nga usung-uso na noon ang text, pero hindi pala ito ginagawa ni FPJ.

Kasi nga malaki raw ang mga daliri ni FPJ kaya hirap siyang mag-text dahil nasasakop ng isang daliri niya ang halos tatlong letra, kaya madalas namamali ang text niya.

Hindi nga ba iyang madalas pag namamali ka sa text, namamali ang pindot ng letter?

Kaya basta i-text mo noon si FPJ, ang sagot sa text mo ay ang call niya sa phone dahil nga ayaw niyang mag-text. Bongga ‘di bah!!

Mga sosyal na sa businesswoman, may kanya-kanyang online show na

Isa na lang ang hinihintay kong pumasok sa online show. Siguro one of these days papasukin na rin iyan ni Cris Roque ng Kamiseta.

Kasi nga extension din ito ng promo nila para sa kanilang mga product.

Like sina Rhea Tan ng Beautederm at Pinky Tobiano na tungkol sa science ang topic dahil chemist siya. Si Cris Roque puwedeng maging topic tungkol sa fashion at pati na rin sa beauty dahil meron siyang Kamiseta Skin clinic.

Bongga, dahil lahat ng BFF natin Salve meron na show online, mas maganda.

vuukle comment

LEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with