^

PSN Showbiz

Ellen hindi pinoproblema ang anak!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ellen hindi pinoproblema ang anak!
Ellen
STAR/ File

Todo display ng katawan

Habang si John Lloyd Cruz ay problemado kung paano niya palalakihin ang anak na si Elias, busy naman si Ellen Adarna sa kanyang physical and mental recovery base sa kanyang mga post sa social media.

Kahapon nga, bongga ang pagpi-flex niya ng kanyang perfect figure na uli. “#quaranTan #mumbod,” lang ang caption niya sa maraming two-piece photos niya.

Meaning si John Lloyd lang talaga ang nag-iisip  sa kalagayan ng anak habang ang nanay nito ay chill lang. “Alam mo, sa totoo lang, nalulungkot ako para sa anak ko. Actually, hindi, eh, hindi lungkot. Mas takot. Natatakot ako para kay Elias,” dialogue ng actor sa kuwentuhan nila ni Bea Alonzo two nights ago.

Nauna nang umamin si Ellen na tatlong taon siyang nakaranas ng black hole kaya kinailangan niyang sumailalim sa mental training sa Bali, Indonesia.

Slumdog/Jurrasic actor namatay

Namatay kahapon ang Slumdog Millionaire and Jurassic World actor na si Irrfan Khan sa edad na 53.

Pero hindi dahil sa coronavirus, kundi sa dati na umano nitong sakit kung saan inamin noon ng aktor na nagkaroon siya ng ‘endocrine tumour.’

Ayon sa report ng BBC, 2018 nang aminin ng actor ang nasabing sakit at pagkatapos noon ay nagpagamot siya sa London.

Agad umanong dumagsa ang nakiramay sa Bollywood actor na namatay sa isang hospital sa Mumbai.

Napanood din siya sa pelikulang Life of Pi.

Nanalo ng maraming award ang pelikulang Slumdog Millionaire noong 2009 kasama na ang Best Picture sa Oscar Awards.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with